Baguio City nakaranas ng hailstorm | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baguio City nakaranas ng hailstorm
Baguio City nakaranas ng hailstorm
ABS-CBN News,
Mae Janica Palkit
Published Apr 30, 2024 05:48 PM PHT

Sa gitna ng tag-init, ilang bahagi ng Baguio City ang binayo ng hailstorm o pag-ulan ng yelo nitong Lunes.

Sa bidyo na ibinahagi ni Bayan Patroller Karl Emmanuel Ilao, kita ang mga butil-butil na yelo na bumagsak sa labas ng kanilang tindahan sa Kias, Loakan Road, Baguio City. Ayon kay Ilao, nagsimula ang pag-ulan ng yelo kasabay ang malakas na buhos ng ulan pasado alas-3 ng hapon at tumagal nang halos 30 minuto.

Dagdag niya, dahil sa lakas ng pag-ulan at pagbagsak ng yelo, pumasok ang ilang butil ng yelo sa kanilang tindahan. Dahil may mga kagamitang hindi dapat mabasa, agad nilang ipinasok ang dalawang electric motors ng kanilang Carpentry and Power Tools store. Wala naman aniyang napinsala sa mga produkto na binebenta nila.

Ayon kay ABS-CBN resident meteorologist Ariel Rojas, "Nakararanas ng matinding thunderstorm kapag sobrang init ng panahon."

"Umaakyat sa itaas ng atmosphere ang mainit na hangin dala ang moisture na nagiging ulap. Lumalaki nang lumalaki ang ulap at nagiging yelo ang water droplets kapag naabot ang taas na nasa freezing temperature na," paliwanag niya. "Dahil malakas at paiba-iba ang direksyon ng hangin sa loob ng thunderstorm, nagbabanggaan ang ice at lumalaki nang lumalaki hanggang sa hindi na kaya ng hangin ang bigat nito at bumabagsak sa lupa kasabay ng malakas na ulan."