Paano nahuhuli ang mga motorista sa No Contact Apprehension Policy? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano nahuhuli ang mga motorista sa No Contact Apprehension Policy?

Paano nahuhuli ang mga motorista sa No Contact Apprehension Policy?

ABS-CBN News

 | 

Updated May 23, 2025 03:51 PM PHT

Clipboard

No Contact Apprehension Policy reminder in a Quezon City road. ABS-CBN News/FileNo Contact Apprehension Policy reminder in a Quezon City road. ABS-CBN News/File 

MAYNILA — Taliwas sa nakasanayan, hindi na kailangan ng traffic enforcer upang masiguradong ang bawat motorista ay sumusunod sa batas pantrapiko.

Kailan magsisimula?

Magbabalik ang No Contact Apprehension Policy ng Metropolitan Manila Development Authority sa Lunes, Mayo 26.

Dahil diyan, maari na muling mahuli ang mga motoristang lumalabag sa batas pantrapiko sa pamamagitan lamang ng mga CCTV camera.

Ito ay matapos tanggalin ang Supreme Court ang temporary restraining ordersa NCAP para sa mga ordinansa ng MMDA.

ADVERTISEMENT

Paano nga ba ang proseso ng NCAP?

  • • Nakatutok ang mga CCTV camera sa mga lansangan. 
  • • May review at validation sa footage ng mga camera upang masigurado ang mga sasakyang nakitang lumabag sa mga batas pantrapiko. 
  • • Magpadala ang MMDA ng notice of violation (NOV) sa address ng mga nahuling motorista.
  • • Magbabase ang ahensiya sa Land Transportation Management Database System, sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation (PhilPost), upang malaman ang rehistradong address ng nagmamay-ari ng sasakyan.
  • • Para sa pampasaherong bus, ipadadala ang NOV sa address ng kanilang mga bus companies.
  • • May kalakip naman na form ang NOV kung hindi ang rehistradong may-ari ng sasakyan ang nagmamaneho ng sasakyan nang mahuli ito.


Ayon sa MMDA, ipatutupad muli ang NCAP sa lahat ng pangmalakihang kalsada tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, C-5, Ortigas Avenue at Macapagal Boulevard.

MMDA/FacebookMMDA/Facebook

RELATED VIDEO:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.