3 bahay tinupok ng apoy sa Laguna; babae patay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 bahay tinupok ng apoy sa Laguna; babae patay

3 bahay tinupok ng apoy sa Laguna; babae patay

Dabet Panelo,

ABS-CBN News,

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

Isang babae ang patay at tatlong bahay ang natupok sa sunog sa Quesada St., Barangay 02 Maytoong, Paete, Laguna pasado alas-9 ng umaga ng Abril 7, 2025.

Kinumpirma ito ni P/Cpl. Ted Arvin Boletic, imbestigador ng Paete Police Station.

Ayon naman  kay Fire Officer 1 Germaine Rose Salisod, umabot sa pangalawang alarma ang sunog, na kinailangan ang siyam na fire trucks na nagtulung-tulong para apulahin ito.

Idineklarang fire out ang sunog 10:36 a.m. habang iniimbistigahan pa ang sanhi ng nito.

ADVERTISEMENT

Samantala, nagbahagi si Bayan Patroller Fairah Amara ng mga bidyo ng sunog na limang bahay lang ang layo sa sarili nilang tirahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.