Pulis, 2 iba pa tiklo sa umano'y carnapping sa Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis, 2 iba pa tiklo sa umano'y carnapping sa Batangas

Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaki, kabilang ang isang aktibong pulis, na sangkot umano sa carnapping sa Bauan, Batangas.

Ayon sa biktima na si alyas “Ruby”, pinarentahan niya ang kanyang sasakyan sa isang ahente ng isang rental service company.

Pero wala siyang kaalam-alam na nailipat na ang rehistro nito sa isa sa mga nahuling suspek.

“May agent siya. Pinaikot-ikot nila ako hanggang ang sasakyan ko, napunta sa kanila. ‘Yung pirma ko pineke kaya ako’y nagtataka sabi ko hindi ko ‘yan pirma kahit kako ipa-examine ‘yang pirmang yan, ako’y handang humarap,” sabi ni Ruby.

Nakiusap siya na ibalik sa kanya ang kinuhang sasakyan pero ipinatutubos ito sa kanya sa halagang P700,000.

“Nung una nga, nag-offer ako, sabi ko sige P300,000, tutubusin ko na ‘yan para tayo ay matapos. Ayaw niya, gusto niya P700,000 talaga. Siguro nakita nila na may potential ako na kaya kong tubusin,” sabi ni Ruby.

Sa ikinasang entrapment operation ng NBI Organized and Transnational Crime Division (OTCD), nahuli nila ang pangunahing suspek kasama ang pulis na nakuhanan pa ng mga baril.

Base sa imbestigasyon ng NBI, sinetup umano ng mga suspek ang biktima para mapilitan siyang iparenta sa kanila ang sasakyan.

“Sinabihan din siya na ‘wag kang mag-alala, maaayos din ‘to kinabukasan. Mababalik din sa’yo, saka walang bentahan na nangyari,” ayon kay Atty. Ric James Espino, agent-on-case, NBI OTCD.

Naniniwala rin ang NBI na bahagi sila ng isang malaking carnapping group.

“Kasi paano nalipat ‘yung [rehistro ng] sasakyan? Eh wala namang pinirmahan na deed of sale itong ating complainant. ‘Yun din ang isa tinitingnan natin ngayon kung itong grupo na to ay meron bang kasabwat sa loob ng LTO,” sabi ni Atty. Jerome Bomediano, hepe ng NBI OTCD.

Itinanggi naman ng pangunahing suspek ang mga paratang at sinabing malinis naibenta sa kanya ang sasakyan.

“Pumirma po siya sa deed of sale na, katunayan po na bentahan. ‘Yun po ang halaga ng unit. Siya po ang nagbigay sakin ng ID niya na may pirma niya,” depensa ng suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong robbery-extortion, paglabag sa Anti-Carnapping Act, at falsification of documents.

Sinampahan din ng reklamong paglabag sa Omnibus Election Code ang pulis na suspek.

Patuloy namang pinaghahanap ang ahente na sinasabing sangkot sa modus.