P2-M pabuya alok sa makapagtuturo sa mga suspek sa San Rafael ambush | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P2-M pabuya alok sa makapagtuturo sa mga suspek sa San Rafael ambush

P2-M pabuya alok sa makapagtuturo sa mga suspek sa San Rafael ambush

ABS-CBN News,

Gracie Rutao

Clipboard

MAYNILA — Magbibigay ng P2 million pabuya ang pamahalaan sa makapagtuturo o makakahuli sa mga suspek sa pamamaril at pagpatay sa 3 biktima sa San Rafael, Bulacan.

Ito ang kinumpirma ng hepe ng PNP sa Region 3 na si Brig. Gen Jean Fajardo nitong Lunes, March 24.

"Meron pong P2 million na ni-raise po for the reward kung sino man ang makakapagbigay ng information sa mga pagkakakilanlan ng mga suspects na ito na involve po sa kaso na ito that would lead to their immediate arrest," aniya.

Biyernes nang pinaulanan ng putok ng baril ang SUV sakay ang 3 biktima.

ADVERTISEMENT

Dead-on-the spot ang nagmamaneho at ang pasahero sa harapan habang naisugod pa sa ospital ang kasama nilang babae sa backseat, pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Ayon kay Fajardo, may mga leads na sila sa mga posibleng suspek. 

"Dati pong consultant 'di umano sa mga kilalang political figures sa Bulacan, so titingnan po natin kung 'yung kanyang dating naging trabaho ay may kinalaman po sa kasong ito," aniya. 

Bumuo na ng special investigation team ang PNP para sa mas malalim na imbestigasyon sa kaso.Bulacan, ambush, San Rafael, reward

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.