Pasko sa CamSur: Problema sa Andaya Highway, road slips, landslides, baha sumalubong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pasko sa CamSur: Problema sa Andaya Highway, road slips, landslides, baha sumalubong

Pasko sa CamSur: Problema sa Andaya Highway, road slips, landslides, baha sumalubong

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 25, 2024 12:04 PM PHT

Clipboard

Isolated ngayong Miyerkoles ang malaking bahagi ng Balatan, Camarines Sur matapos iulat ng kanilang municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) ang tatlong landslides sa Nabua-Balatan Road.

Sa mga barangay ng Laganac at Cabanbanan, hindi makadaan ang lahat ng uri ng sasakyan kaya naglakad na sa makapal na putik ang mga residente.

Pinangangambahan ng awtoridad na lalong mapinsala ng landslide ang kinukumpuning naputol na bahagi ng daan noong Bagyong Kristine.

Sa bayan ng Lupi, lumambot ang itinambak na lupa dahil sa ulan kaya balik sa one-lane traffic ang dalawa sa apat na kinumpuning road slips sa Andaya Highway, ayon sa pulisya.

ADVERTISEMENT

Nag-deploy ng rescue team ang MDRRMO ng Lupi dahil bukod sa mga spillway, binaha na rin noong gabi ng Martes ang ilang lugar, kabilang ang palengke sa Barangay Colacling.

Umapaw na ang Bicol River kaya may mga bahay na pinasok ng tubig sa Libmanan, Camarines Sur.

Sa bayan ng Nabua, patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa Waras at Barit River, kaya bukod sa apat na spillway, binaha ang noche buena ng mga nakatira sa low-lying areas ng mga barangay malapit sa mga ilog.

Binabaha na ang Nabua Central Pilot School.

Umapaw na rin ang ilog na naka-konekta sa lawa kaya hindi na madaanan ang San Vicente-Bacolod road sa bayan ng Bato.

ADVERTISEMENT

Sa Caramoan, binaha pero nadaraanan pa naman ng sasakyan ang kalsada sa Barangay Binanuahan pero pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga motorista sa pagtawid.

Rumagasa rin ang tubig sa ilang kalsada papasok sa bayan ng Libon, Albay, kaya ipinagbawal ang pagdaan dito ng mga motorsiklo.

Pinaaalerto naman ng Phivolcs ang mga residenteng malapit sa 12 river channels mula sa Bulkang Mayon sa posibilidad ng lahar flow.

Shear line o lugar ng salubungan ng mainit at malamig na hangin ang weather system ang nakaaapekto sa Bicol, ayon sa PAGASA-Southern Luzon. — Ulat ni Jonathan Magistrado

RELATED VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.