Chinese arestado sa pagbebenta ng loose firearm; pera pandagdag umano sana pag-uwi sa China | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Chinese arestado sa pagbebenta ng loose firearm; pera pandagdag umano sana pag-uwi sa China

MAYNILA – Inaresto ng pulisya ang isang Chinese dahil umano sa pagbebenta online ng 9.mm pistol na hindi na umano lisensyado.

Ayon kay PLt. Wallen Arancillo, tagapagsalita ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), pumunta ang 33-anyos na lalaki sa bansa noong 2019 kasama ang kanyang pamilya para magtrabaho bilang chef.

Nahuli umano ang suspek sa pamamagitan ng cyber patrolling nang makita ng mga pulis na ibinebenta niya ang baril ng P40,000.

“Yung firearms na ito ay ibinigay sa kanya ng kaibigan niya na dati niyang kasamahan sa isang company dito sa Philippines. Since gusto na niyang bumalik ng China, ibinenta niya ang firearm pandagdag-gastos,” sabi ni Arancillo.

Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan siya o naging empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) lalo na’t hindi siya marunong mag-Tagalog.

“Nakita natin na puro Chinese company ito. Pag mayroon kaming information, sasabihin namin kaagad,” aniya.

Tukoy na ng pulisya ang may-ari ng baril, na napaso ang lisensya noon pang 1991.

Maaari ring maharap sa reklamong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang nagbenta sa kanya kung sakaling mapatunayan na ibinenta ito nang ilegal.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek.