Motorcycle taxi rider inireklamo ng pangho-holdap | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Motorcycle taxi rider inireklamo ng pangho-holdap

Motorcycle taxi rider inireklamo ng pangho-holdap

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

Clipboard

May person of interest na ang Pasay City Police kaugnay sa isang pasaherong naholdap umano ng rider ng isang motorcycle taxi noong May 28.

Kuwento ng biktima na nagpakilalang si "Annie," nasa Cubao, Quezon City siya nang mag-book sa motorcycle taxi app papuntang Makati City. Pero imbes na kumaliwa papasok ng Makati, dinere-derecho umano ng rider papuntang Pasay. 

Saad ng biktima, "Nagtanong siya - maam pwede nyo ba ako samahan kahit saglit lang? Ay hindi pwede kuya kasi may work ako. Doon ako nag-start mag-panic bakit siya dumerecho. Sabi ko, kuya, bakit ka dumiretso hindi lumiko? Malungkot daw po siya, ulit-ulit niya sinasabi."

Lalo pang natakot ang biktima dahil binilisan pa umano ng Move It rider ang pagmamaneho.

ADVERTISEMENT

"Umiiiyak na ako ibaba mo na ako, kuya. Tapos pumayag na siya na ibaba ako pero kukunin daw niya ang gamit ko. So nung sinabi nya yon, pumayag na ako dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, kung magdere-derecho po. Binaba niya ako sa lugar na madilim," dagdag ng biktima. 

Sabi ng biktima, nakuha ng rider ang kanyang mga personal na gamit kabilang ang P4,000 na cash pati mga ATM at credit cards.

“Base sa kanyang salaysay, possible po ito robbery. Bago siya binaba may kundisyon na ginawa ang driver, hindi sya bababa kung 'di binigay ang bag nya. So, from the facts and circumstances maaari nating kasuhan ng robbery kasi may intimidation yon na hindi bababa kundi ibibigay ang bag,” sabi ni PCapt. Allan Valdez, imbestigador ng Pasay City Police.

Sinubukang kunin ng ABS-CBN News ang panig ng inirereklamong rider, pero ayon sa pamunuan ng Move It, hindi pa umano pumupunta sa kanilang tanggapan ang ipinatawag na rider.

Sa paunang imbestigasyon ng Pasay Police, kinumpirma umano ng rider na siya ang nagmamaneho sa motorcycle taxi na sinakyan ng biktima pero hindi umano niya ninakaw ang mga personal na gamit ng pasahero. 

ADVERTISEMENT

"Tinanong ko sa kanya kung siya yung driver - positive po. Sabi niya siya yung driver pero wala siyang kinukuhang gamit mula sa complainant," sabi ni PCapt. Valdez. 

Bagay na ikinadismaya ng biktima. "Nagulat, nakakalungkot kasi wala naman pong tao na mag-iimbento ng ganitong problema kung di naman totoo lalo na babae ako. Hindi talaga biro! Nakaka-trauma po!"

Ayon sa pamunuan ng Move It, nakikipag-ugnayan na sila sa pasahero, rider at mga otoridad sa isinasagawang masusing imbestigasyon sa umano'y panghoholdap.

"Ang rider na idinawit sa insidente ay kasalukuyang naka-preventive suspension habang patuloy ang imbestigasyon namin at ng kapulisan. Sinisigurado natin ang mga pasahero at rider ng MOVE IT na ang platform ay may zero-tolerance policy sa mga ganitong uri ng insidente," pagtitiyak ni Wayne Jacinto, General Manager ng Move It.

Dagdag paalala ng pulis sa publiko, "Bago sumakay, siguro, kung ma-meet na nila yung rider, kung nakatakip mukha ng driver, patanggal nila, mag picture sila then picturan nila motorsiklo yung plaka."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.