Estudyante patay matapos ma-suffocate umano sa sunog sa Malabon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyante patay matapos ma-suffocate umano sa sunog sa Malabon

Estudyante patay matapos ma-suffocate umano sa sunog sa Malabon

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan mula kay Danny De Guzman


MAYNILA — Patay ang isang 20-anyos na estudyante sa sunog sa isang residential area sa Barangay Tugatog Malabon nitong Miyerkoles ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
 

Natagpuan ang katawan ni Nyanza Manalang sa may hagdanan sa ikalawang palapag ng bahay, sabi ni Fire Senior Inspector Michael Jacinto, deputy fire marshall ng Malabon BFP.

"Nasa second floor po siya, basta malapit siya sa hagdan. Siguro po palabas na siya, kaya malapit na siya sa hagdanan. Hindi siya totally charred, siguro po na-suffocate pero aalamin pa rin natin sa SOCO ang result," sabi ni Jacinto.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumupok sa 7 bahay sa lugar.

Kuwento ng isa sa mga nasunugan na si Elena Pagunsan, kadikit lang ng kanilang bahay ang pinagmulan ng sunog kaya nadamay sila.

"Biglang nagsisigaw ang apo ko, nung umaykat ako nakita ko ang lakas na ng apoy at usok buti nadampot agad ng panganay ko 'yung apo ko. Nadamay na dun 'yung kuwarto namin, magkadikit lang kami bintana. Akala ko sa amin nanggaling 'yun pala dun sa kabila nanggaling," sabi ni Pagunsan.

Walang naisalba si Pagunsan bukod sa gamot niya para sa hypertension.

Pansamantalang manunuluyan sa covered court sa barangay ang 9 na pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.