'Unli work' sa Taiwan, pwede na para sa skilled Filipino workers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Unli work' sa Taiwan, pwede na para sa skilled Filipino workers

'Unli work' sa Taiwan, pwede na para sa skilled Filipino workers

Marie Yang  | TFC News Taiwan 

 | 

Updated Aug 06, 2022 07:17 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

TAIWAN -- Pormal nang naging batas noong buwan ng Abril ang pagbibigay ng pagkakataon sa skilled Filipino workers sa Taiwan na mag 'unli work' o makapagtrabaho ng walang limitasyon.

Sa ilalim ng batas ng Taiwan noon hanggang 12 taon lang pwedeng magtrabaho sa bansa ang isang factory worker habang 14 na taon ang caretakers.

Pero sa bagong batas na "Plan for Long-Term Retention of Migrant Talent," may bahagyang pagluluwag para makapagtrabaho nang matagal ang mga overseas worker.

6 na taon ang kailangang gugugulin ng isang dayuhang trabahador para ma-qualify bilang intermediate skilled worker.” Ang mga makakapasok sa kategoryang ito, maaaring mabigyan ng kontrata na puwedeng i-renew kada 3 taon at walang limit.

ADVERTISEMENT

Kailangan maganda ang relasyon mo sa employer mo dahil sila ang pinagkalooban ng batas na magrekomenda,” MECO POLO Taipei Director for Labor Affairs Atty. Cesar Chavez, Jr.

Pasok dito ang mga manufacturing sector, agriculture, fishing at construction o mga nasa industry sector, gayundin din ang caregivers at maging international students.

Pero para mag-qualify sa programa para sa mga nasa industry sector, kailangang sumasahod kada buwan ng 33,000 New Taiwan Dollars o TWD na katumbas ng 60,000 PHP; 29,000 TWD o 53,000 PHP naman para sa mga nagtatrabaho sa nursing homes at 24,000 TWD o 44,00 PHP para sa home-based caretakers.

Kailangang dumaan sa professional training at practical implementation ang mga nasa industry sector at language proficiency naman sa mga caregiver.

Kaya si Shirley Fajot na higit 10 taon nang nagtatrabaho bilang caregiver sa Taipei City, subsob ngayon sa pag-aaral ng Mandarin.

ADVERTISEMENT

July 27...14 years na ako, supposed to be pauwi na ako pero gusto akong i-rehire ng aking amo kaya ini-a-apply nila ako para sa skilled workers which is after 6 years, pwede akong makapagtrabaho sa Taiwan (ng) unlimited,” kwento ni Shirley sa TFC News.

Maaari ring mag-apply ng permanent residency ang mga intermediate skilled worker pagkatapos ng 5 taon, pero mas mahigpit na ang requirements. Kailangang 50,000 TWD o 92,000 PHP ang sahod ng overseas worker kada buwan.

May abiso naman ang MECO POLO Taipei sa mga aplikante.

Pribilehiyo ito at hindi karapatan. So kailangan magqualify at sisikapin na ma-comply ang lahat ng requirements, di lamang sa sahod; di lamang sa period of time; di lamang sa trainings; so lahat, pakisama sa employer...para irekomenda ka,” sabi ni Labatt Atty. Chavez, Jr.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.