ALAMIN: Voters assistance sa mga PWD, senior citizens, at illiterate | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Voters assistance sa mga PWD, senior citizens, at illiterate

ALAMIN: Voters assistance sa mga PWD, senior citizens, at illiterate

ABS-CBN News

 | 

Updated May 07, 2019 03:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

May mga tulong na maaaring ibigay sa senior citizens, persons with disability (PWD), at mga illiterate -- o iyong mga hindi marunong magbasa at magsulat -- sa kanilang pagboto.

Ayon kay Atty. Claire Castro sa programang "Usapang de Campanilla," alinsunod ito sa probisyon ng Saligang Batas na nagsasabing may karapatang makaboto ang mga PWD, senior citizen, at illiterate.

Maaaring magdala ng mga kasama ang mga PWD, senior citizens, at illiterate na botante para maalalayan sila sa pagboboto, kapag halimbawa nahihirapang mag-shade o magbasa ng pangalan ng mga botante.

Pero dapat pasok ang kaanak na kasama sa fourth degree of consanguinity ng botante. Ibig sabihin, dapat ay kadugo ang kasama.

ADVERTISEMENT

"Hindi basta-basta puwedeng mabigyan ng assistance ang mga illiterate, senior citizens, PWD," ani Castro.

Bukod pa rito, ayon kay Castro, dapat kasama ang botante sa mga nasa listahan ng Comelec ng nangangailangan ng assistance o tulong.

Ipinapayo ni Castro na dumulog agad sa Comelec ang mga nangangailangan ng assistance para mapayagan silang magdala ng kasama sa presinto.

Pero kapag dumulog sa Comelec ang botante at pumunta siya sa kaniyang presinto sa araw ng halalan nang walang aalalay sa kaniya, hindi siya papayagang bumoto.

"Let's say kailangan may mag-shade kasi hindi mabasa, pero hindi kayo pupunta on the election day na may kasama... (Bawal 'yon?) Oo, kasi hindi kayo mare-recognize," ani Castro.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.