Suspek sa pagpatay sa BPO employee, nasakote sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pagpatay sa BPO employee, nasakote sa Maynila

Suspek sa pagpatay sa BPO employee, nasakote sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa isang BPO employee sa Sampaloc, Maynila nitong Martes ng gabi.

Nagkasa ng follow-up operation ang Manila Criminal Investigation and Detection Group at Manila Police District Station 4 at nahuli ang suspek na isang 25 anyos na residente ng Tondo.

Ayon sa pulis, inamin ng suspek ang kanyang ginawa at ininguso pa ang isang kasamahan na pinaghahanap na ng pulis.

Pilit inagaw ng dalawang lalaki ang motorsiklo ng biktima sa may Dapitan corner Algeciras Street, Maynila nitong Sabado. Nang tumanggi ang biktima, binaril siya ng suspek at tinangay ang motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Narekober mula sa nahuling suspek ang motorsiklo ng biktima. Nahaharap sa kasong murder at carnapping ang suspek.

May manhunt operation pa rin para sa isang pang suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.