Partylist idiniin ang halaga ng pagtuturo ng Philippine history sa high school | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Partylist idiniin ang halaga ng pagtuturo ng Philippine history sa high school

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Feb 26, 2022 02:48 PM PHT

MANILA—Naniniwala ang ACT Teacher’s Partylist na napapanahon nang paigtingin ang pagtuturo ng history ng bansa, lalo’t marami ang nagtatangkang magbago ng kuwento ng kasaysayan gaya sa panahon ng martial law o batas militar sa panahon ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

Sa isang online media forum, sinabi ni dating congressman Antonio Tinio na malaki ang kinalaman ng educational system ng bansa sa pagtuturo sa mga kabataan para itama ang naratibo o kuwento.

“Halimbawa, golden age daw ang martial law. Walang mahirap, walang nagugutom, ’yung linya na hindi nagnakaw ang mga Marcos dahil wala daw napatunayan sa mga korte, walang human rights violations noong panahon noong Martial Law. Lahat ’yan ay mga pagbabaligtad sa aktuwal na nangyari. Ngunit dahil hindi naituturo sa ating educational sytem ay kumapit na ’yun,” sabi ni Tinio

Paliwanag ni Tinio, ito ay dahil sa pagbabagong ginawa sa general curriculum sa kolehiyo at ang implementasyon ng K-12 program na nag-lalayong i-decongest ang curriculum sa eskwela subalit naisantabi naman ang ilang mahalagang asignatura o subject gaya ng Philippine history.

Naniniwala si Tinio na isa sa mga rason kung bakit mataas ang popularidad ni Ferdinand Marcos Jr., na tumatakbong pangulo ng bansa, ay dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman ng mga mas nakababatang botante sa kasaysayan ng bansa noong panahon ng martial law.

Muling binigyang-diin ni Tinio na malaki ang kasalanan ng mga Marcos sa bansa mula sa pagnanakaw at kaliwat-kanang paglabag sa karapatang pantao.

"Generally sa mga college level ay mas nakikita natin d’yan ’yung anti-Marcos, ’yung mga kabataang very critical sa Martial law ay nasa college level. Mas pinapakita nito na kapag may pagkakataong makapag-aral ng Philippine history, mas mulat. Hindi mo talaga susuportahan ang mga Marcos at ang pagbalik nila sa poder. Kasi agad na malalaman mo ’yung mga popular na istorya sa social media ay pawang kabulastugan. Nagnakaw talaga ang mga Marcos, eh kung wala silang ninakaw . . . Bakit may nabawi ang gobyerno?” tanong ni Tinio.

Sinabi ni Tinio na mayroon pa rin namang tagumpay na maituturing sa pagkakaroon ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

"May mahalagang tagumpay, ito ’yung nagpatalsik sa Marcos dictatorship. Huwag nating kalimutan na from 1972 hanggang 1986, isang tao lang nakaupo sa Malacañang, si Ferdinand Marcos. Hindi demokratiko ’yun, kung hindi pa nagkaroon ng EDSA hindi naman siya aalis d’yan. ’Yung mga nagkaroon ng at least formal democracy, may 1987 Constitution, naibalik ’yung free press. Noong panahon ni Marcos no such thing as free press,” sabi ni Tinio.

Dagdag pa ni Tinio, bagamat may tagumpay ang EDSA People Power, dapat kilalanin ang mga pangako ng EDSA na hindi pa rin nakakamit gaya ng reporma sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka o land reform dahil marami pa ring magsasaka ang walang hawak na sariling titulo ng kanilang lupa; kawalan ng trabaho; contractualization; at kakapusan sa social services. Mayroon pa rin aniyang talamak na kurapsyon at hindi rin naman nawala ang “cronyism” sa gobyerno.

Ayon kay Tinio, may mga nakahain na silang panukalang batas na naglalayong ibalik sa high school ang pagtuturo ng Philippine history para matugunan ang pagkalat ng maling kuwento ng kasaysayan ng bansa.