84 anyos na lola determinadong tuparin ang pangarap na maging CPA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

84 anyos na lola determinadong tuparin ang pangarap na maging CPA

84 anyos na lola determinadong tuparin ang pangarap na maging CPA

ABS-CBN News

Clipboard

Kwento ni Bayan Patroller Dez ay nasa lokasyon siya ng exam dahil mayroon siyang mga kaibigan na sinuportahan na kumuha rin ng CPALE. Courtesy: Dez Francisco

MAYNILA — Humanga ang mga netizen sa isang lola na kumuha ng Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) noong Mayo 2024.

Sa viral post ni Bayan Patroller Dez Francisco noong Mayo 27, 2024 ay makikita ang 84 anyos na lola na si Filipina Adele Balite na dala ang plastic envelope na may lamang lapis at calculator.

Kwento ni Bayan Patroller Dez ay nasa lokasyon siya ng exam dahil mayroon siyang mga kaibigan na sinuportahan na kumuha rin ng CPALE.

Naisipan niyang i-post sa social media si Lola Filipina dahil humanga siya sa dedikasyon nito para sa pangarap na maging accountant. 

ADVERTISEMENT

"Sobrang na-inspire po kasi ako nung nakita ko si lola. Despite her age, patuloy pa rin siya sa pangarap niya maging CPA. Kaya grabe saludo talaga," saad ni Bayan Patroller.

NAUNSYAMING PANGARAP

Sa panayam ng Bayan Mo, iPatrol Mo kay Lola Filipina ay ibinahagi niya na taong 1982 ang unang pagkakataon na siya ay nag-board exam. Hindi siya nakapasa noon at hindi na nagkaroon ng pagkakataon para kumuha ng isa pang board exam. 

Nagtrabaho siya bilang isang bookkeeper ng ilang taon at pansamantalagang isinantabi ang pangarap na maging CPA.

Magkagayunman, sa edad na 84 ay naisipan niyang sumugal sa oportunidad na abutin ang kanyang pangarap.

"Inalok ako nila ng scholarship, tinanggap ko. At least, miski papano matutupad ko sana yung pangarap ko, miski matanda na ako... Maraming nagbibigay sakin ng reading materials, libre, hindi naman nagpapakilala kung sino sila, basta nilalagay na lang dun sa upuan ko," ani Lola Filipina.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Lola Filipina ay ramdam niya ang suporta ng mga kasabayan sa review center kaya mas lalo siyang ginanahang mag-aral.

Hindi man nakapasa si Lola Filipina sa board exam sa pangalawang pagkakataon, hindi siya pinanghinaan ng loob bagkus nais niyang sumubok muli. 

Sa susunod na pagkuha ng exam, bitbit niya ang misyon sa kanyang puso na baka may plano pa ang Panginoon sa kanya.

"If you cannot make it, go ahead. Kuha ulit. Dapat tuloy lang,” mensahe ni Lola Filipina.  

—Ulat nina Cielo Gonzales at Belle Pechay, BMPM interns


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.