'Giant butterfly squid,' naipundar mula sa pocket money pang-abroad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Giant butterfly squid,' naipundar mula sa pocket money pang-abroad

'Giant butterfly squid,' naipundar mula sa pocket money pang-abroad

ABS-CBN News

Clipboard

Mala-"alien" kung ilarawan ng ilang customer ang "giant butterfly squid" na patok na putahe sa isang kainan na may mga sangay sa Taytay, Rizal, Maginhawa, Quezon City, at sa iba't ibang food park sa Luzon.

Ang kakaibang putaheng pusit ng Above Sea Level ay naipundar mula sa pocket money na dapat ay gagamitin habang naghahanap ng trabaho abroad ang mga may-ari ng kainan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bago pumatok ang negosyong seafood, balak na sana ng mga may-ari ng Above Sea Level na sina Polsan Pangidian at Winna Baldonado na magtrabaho sa ibang bansa pero isinantabi nila ito nang makakita ng espasyo sa isang food park.

Sa "My Puhunan," inamin ni Pangidian na pakiramdam niya'y sumugal sila nang magtanong sa espasyo sa food park dahil noong mga panahong iyon ay wala pa silang ideya sa uri ng kainang itatayo roon.

ADVERTISEMENT

"Wala pa kaming idea actually kung ano 'yong [ilalagay]," ani Pangidian. "Tapos no'ng nakita namin na may space, [sabi ko] 'Siguro kaya naman natin? Sige, gamitin natin 'yong pocket money natin.' Parang sinugal nga namin 'yong pocket money namin noon."

Ayon naman kay Baldonado, seafood ang kanilang napili dahil ito ang paborito nila ni Pangidian.

Dahil kinailangang humanap ng bagay na maghihiwalay sa kanila sa ibang kainan, nilikha ni Pangidian ang giant butterfly squid.

Pusit ang pinili ni Pangidian dahil mahirap umanong isipan ng presentation ang ibang seafood.

"Ginawa namin para makipag-compete sa mga kasama namin, seafood and ginawa namin pinatayo namin siya (pusit). Ginawa namin siyang parang butterfly," ani Pangidian.

ADVERTISEMENT

"Usually kasi kapag kumakain ka sa restaurant, may calamares. Dito, different type of presentation. Parang kakaiba naman na since nakatayo siya sa lamesa, 'yong mga family kumukurot-kurot na lang," paliwanag ni Pangidian.

Minsan na ring nag-viral sa social media ang retrato ng giant butterfly squid, dahilan para lumakas ang negosyo nina Pangidian at Baldonado.

"Alam naming papatok 'to so next na inisip namin is paano siya babalikan ng mga tao. Kailangan masarap siya, so 'yong recipe na lang 'yong pinerfect namin," sabi ni Baldonado.

Ang pinakamalaking pusit na hinahain sa Above Sea Level ay tinatawag na Groot na nasa 1.2 kilo. Maaari itong pagsaluhan ng hanggang apat katao kaya sa halagang P450 ay may kasama na rin itong apat na java rice.

Watch more in iWantv or TFC.tv

PARAAN NG PAGLUTO

Ibinahagi rin Pangidian ang paraan ng pagluto ng malutong at mala-higanteng pusit.

ADVERTISEMENT

Una muna ay ibinababad ni Pangidian ang pusit sa itlog at butter bago ilagay sa harina.

Kapag nabalot na ng harina ay puwede na itong ilubog sa mantika sa loob ng tatlong minuto.

Bukod sa giant butterfly squid, ibinida rin nina Pangidian at Baldonado ang ibang patok na ulam sa Above Sea Level, gaya ng bacon-wrapped shrimp at firecracker shrimp o maanghang na hipong ibinalot sa lumpia wrapper.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.