ABANGAN: Mga detalye ng ‘La Luna Sangre’, ilalabas na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABANGAN: Mga detalye ng ‘La Luna Sangre’, ilalabas na

ABS-CBN News
Published Jun 06, 2017 05:54 PM PHT

Abangan ang live stream ng La Luna Sangre press conference sa facebook.com/patroldotph
Taong 2008 nang unang magbagong-anyo si Angel Locsin para sa ‘Lobo’ na sinundan ng seryeng ‘Imortal’ noong 2011.
Ngayong taon, inaabangan na ang ‘La Luna Sangre’ na ikatlong installment ng fantaserye na pagbibidahan ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sumabak na sa Muay Thai workout si Bernardo bilang paghahanda sa bagong role.
Ayon naman kay Padilla, nag-aral sila ng Pekiti-Tirsia Kali at Wushu para sa ilang eksena sa serye.
Makakasama rin sa ‘La Luna Sangre’ sina Angel Locsin, John Lloyd Cruz, at Richard Gutierrez.
Una nang kinompirma ni Locsin na mayroon silang espesyal na partisipasyon ni Cruz sa serye.
"I'm very excited to work again with Lloydy. Mayroon kaming special participation sa 'La Luna Sangre,'" ani Locsin.
Samantala, kamakailan lamang ay ipinasilip ang karakter sa serye ng bagong Kapamilya na si Gutierrez.
Gaganap si Gutierrez bilang ‘Sandrino’, ang sinasabing hari ng mga bampira.
Ilalahad ang kabuuang detalye ukol sa serye sa isang press conference Martes, alas-6:30 ng gabi.

Mapapanood ang mga detalyeng ito nang buo sa Facebook page ng Patrol.PH. Pumunta lamang sa facebook.com/patroldotph

Read More:
La Luna Sangre
Kathryn Bernardo
Daniel Padilla
Angel Locsin
John Lloyd Cruz
Richard Gutierrez
Lobo
Imortal
Primetime Bida
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT