Danita Paner, may regrets na hindi tinanggap ang isang mahalagang role sa ‘Wildflower’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Danita Paner, may regrets na hindi tinanggap ang isang mahalagang role sa ‘Wildflower’

Leo Bukas
Published Oct 26, 2017 05:33 PM PHT

May panghihinayang si Danita Paner na hindi niya tinanggap ang role ni Nathalie na ginagampanan ni Roxanne Barcelo sa hit series ng ABS-CBN na Wildflower.

Ayon sa nagbabalik na talent ng Viva Artists Agency (VAA), una raw na-offer sa kanya ang role kaya lang hindi siya ready na gawin ito.

“Ang nangyari po kasi non, hindi ko alam kung ano’ng karakter, sinabi lang sa akin na part ako ng show, na kontrabida. After noon, pictorial na, so during pictorial, tinanong ko kung ano yung character sketch, kasi wala akong idea, eh.

“Ayoko naman sumalang na hindi ko alam yung gagawin ko. So nung sinabi sa akin, sabi ko, hindi ko kaya, ang bigat,” kuwento niya sa interbyu ng PUSH after ng contract signing niya sa VAA.

Lumabas din noon na ang talagang dahilan nang pagtanggi ni Danita sa role ay dahil ayaw nitong magpagupit ng buhok. Short hair si Roxanne sa Wildflower na dapat ay peg ng kanyang karakter.

Aniya, “Lumabas po yon, na ayaw ko raw magpagupit. Sabi ko, ang babaw naman.”

Patuloy niya, “Hindi ko po siya tinanggap kasi at that time, feeling ko hindi ko kayang gawin yung role na sobrang sexy, sobrang… Malala kasi yung pagka-explain sa akin ng character sketch, eh.

“Sabi ko, kung hindi ko mabibigay yung 100 percent, mapapahiya lang ako. Habang hindi pa nag-i-start, aalis na lang ako,” deklara pa ni Danita.

May regrets ba siya na hindi napasama sa teleserye ni Maja Salvador?
May regrets ba siya na hindi napasama sa teleserye ni Maja Salvador?
ADVERTISEMENT
“Oo, medyo. Sayang nga, eh,” pag-amin niya.

“Pero this time, ready na ako. I’ve made up my mind. Hindi na rin naman puwedeng magpa-tweetums. And since TV naman, hindi naman siguro ganun kalala,” sey pa niya.

Naniniwala rin si Danita na para talaga kay Roxanne ang karakter ni Nathalie.

“Para sa kanya talaga yon,” sabi pa ng aktres.

Kahit handa nang magpaka-daring sa mga susunod na projects na ibibigay ng Viva, may limitasyon pa rin naman daw siya ngayon.

“Honestly, hindi ko po talaga kaya yung all the way o yung talagang hubad. Yung two-piece kaya ko naman. Nag-FHM pictorial na rin ako five years ago.

“Iba naman kasi yung pictorial, kasi pag sa taping ka, may interaction yon. So iba yung nagpapaseksi sa pictorial at iba rin yung gumagawa ka ng bed scene,” katwiran pa niya.

Nag-apologize naman daw siya sa pagtanggi niya sa role.

“Siyempre, nahiya ako sa ABS-CBN na may ganung nangyari. Nag-sorry naman po ako kay RSB (Ruel S. Bayani) na hindi ko siya nagawa,” she said.

Almost five months ding walang ginawang project si Danita hanggang parang gusto na lang niyang mag-quit sa showbiz. Ang teleseryeng Magpahanggang Wakas nina Jericho Rosales at Arci Munoz kung saan gumanap siyang third wheel ang huli niyang project sa ABS-CBN.

“After po nung sa Wildflower, nag-stop ako at pinag-isipan ko po talaga. Pero hinahanap-hanap ng katawan ko yung taping. Di ko kayang magtrabaho sa office.

“Nag-start ako ng clothing line pero hindi pa siya nalu-launch, tapos meron kaming mga food commissaries sa mga call centers, pero hindi ako happy, eh. Pinag-i-inventory ako, sabi ko, ‘ano yan, ayoko niyan,’” natatawa at huling pahayag ni Danita sa PUSH.

Read More:
Danita Paner
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT