Guro, tinalo ang dinastiya sa gubernatorial race sa Catanduanes; dinastiya nananatili pa rin sa iba | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro, tinalo ang dinastiya sa gubernatorial race sa Catanduanes; dinastiya nananatili pa rin sa iba

Rowena Caronan,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published May 16, 2025 04:40 PM PHT
|
Updated May 17, 2025 04:12 PM PHT

MAYNILA (UPDATED) — Mabigat ang naging kalaban ng independent candidate at academic na si Dr. Patrick Azanza na nanalo sa pagka-gobernador sa Catanduanes sa halalan noong Mayo 2025.

Nagsilbing university president ng Catanduanes State University si Azanza mula 2021 hanggang magbitiw siya sa puwesto noong 2024 para labanan ang halos dalawang dekadang dinastiya ng mga Cua sa nagdaang halalan.

Kwento ni Azanza, napakiusapan lamang siya ng iba't ibang sektor dahil marahil nagustuhan nila ang kanyang 'no corruption' policy sa unibersidad at ang makabuluhang pagbabagong isinulong niya.

“Sabi ko, siguro naman with my track record as an educator na nagpakita ng corruption policy at matinong pagpo-programa at implementasyon ng mga projects sa loob ng university, sabi ko baka naman makita ng mga tao na merong option sila. Yun po ang naging dahilan para pumasok tayo nang tuluyan sa mundo ng pulitika,” saad ni Azanza.

Tinalo ni Azanza ang kasalukuyang bise gobernador na si Peter 'Bosste' Cua sa mahigpit na laban, sa botong 76,169 laban sa 75,807. Ang bilang ng boto ay batay sa partial, unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) na may 100% election return.

Nagsilbi si Peter Cua bilang mayor ng San Andres sa loob ng tatlong termino bago nahalal na bise gubernador noong 2022. Sa nakaraang halalan, nais sana niyang palitan ang nakatatandang kapatid na nakaupo sa puwesto, si Gov. Joseph ‘Boboy’ Cua.

Si Boboy Cua naman ay nagsilbing mayor ng San Andres mula 2001 hanggang 2004 at naging gobernador ng probinsya mula 2007, maliban sa pagitan ng 2013 hanggang 2016. Sa nakaraang halalan ay tumakbo siya sa pagka-mayor ng Virac, Catanduanes at natalo rin tulad ng kapatid.

Pagtakbo bilang independent
Aminado si Azanza na nahirapan siya dahil wala siyang inasahang campaign fund. Samantala, ang kanyang kalaban na si Cua ay suportado ng national party na Lakas-CMD, ang idineklara ng Comelec na dominant majority party para sa halalan sa 2025.

Dahil sa kawalan ng campaign funds, lahat aniya ng nangampanya para sa kanya ay mga boluntaryo, kabilang ang mga estudyante at alumni ng unibersidad at mahigit 700 youth volunteers. Para maabot ang mga botante, namigay siya ng flyers sa anyo ng komiks para mas madaling maunawaan at gumamit ng social media.

“Hindi totoo na hindi kayang buwagin yung mga dinastiya na gaya ng sa amin dito na alam ko present din sa ibang lugar ng Pilipinas. Lalo na yung sinasabi nila na imposible na lalo na ma-topple mo yung dynasty without buying votes,” ani Azanza.

“Posible po pala basta klaro na mayroon kang plataporma, ramdam ng tao yung sinseridad mo, at nakikita na may track record ka,” dagdag ni Azanza.

Political dynasty sa gubernatorial races
Ayon sa datos ng ABS-CBN Research and Verification Unit, isa lamang si Azanza sa 82 na nangungunang kandidato sa pagka-gobernador na walang karanasan sa pulitika, walang suporta ng malaking political party, at hindi bahagi ng isang political family.

Bagama’t hindi rin nabibilang sa political family at baguhan sa pulitika si Ronald “Jun” Aguto Jr. ng Batanes, tumakbo siya sa pagka-gobernador sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas, ang partido ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.

Siyam naman sa mga nangungunang kandidato sa pagka-gobernador ang wala ring kaanak sa puwesto pero may mahaba nang karanasan sa pulitika o may suporta mula sa ruling party.

Kabilang sa siyam sina Eduardo ‘Ed’ Gadiano sa Occidental Mindoro at Santiago ‘Santi’ Cane Jr. sa Agusan del Sur na tatlong dekada nang nagsisilbi sa pulitika. Nariyan din ang dating aktor na si Daniel Fernando sa Bulacan at si Jerry Dalipog sa Ifugao na mahigit dalawang dekada nang naglilingkod.

Ang ilan ay humawak na ng lokal na posisyon, kabilang dito si dating brodkaster Marisol “Sol” Aragones sa Laguna at Melecio “Mel” Go sa Marinduque.

Nanungkulan si Aragones bilang kongresista ng ikatlong distrito ng Laguna mula 2013 hanggang 2022. Naupo naman si Go sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque nang dalawang termino noong 2004 at 2007. Tumakbo rin si Go sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

11 leading gubernatorial candidates na walang political dynasty o political support
Gubernatorial candidate Province Political party Length in elective office Opposing dynast candidate Eduardo “Ed” Gadiano Occidental Mindoro Partido Federal ng Pilipinas 31 years (started 1994) Unopposed Santiago “Santi” Cane Jr. Agusan del Sur National Unity Party 30 years (started 1992) No information shows that his major rival belongs to a political clan. Daniel Fernando Bulacan National Unity Party 25 years (started 1980) Wilhelmino Sy-Alvarado Jerry Dalipog Ifugao Lakas–Christian Muslim Democrats 18 years (started 2004) No information shows that his major rival belongs to a political clan. Melchor Diclas Benguet Lakas–Christian Muslim Democrats 16 years (started 1992) No information shows that his major rival belongs to a political clan. James Edduba Kalinga Lakas–Christian Muslim Democrats 15 years (started 2007) Jocel Baac Marisol “Sol” Aragones Laguna Akay National Political Party 9 years (started 2013) Ruth Hernandez Melecio “Mel” Go Marinduque Partido Demokratiko Pilipino 6 years (started 2004) Lord Allan Velasco Jose “Jing” Gambito Nueva Vizcaya Partido Federal ng Pilipinas 3 years (started 2022) Luisa “Banti” Cuaresma Patrick Azanza Catanduanes Independent No prior elective position Peter “Bosste” Cua Ronald “Jun” Aguto Jr. Batanes Partido Federal ng Pilipinas No prior elective position Medardo “Jun” Abad Jr.
Gubernatorial candidate | Province | Political party | Length in elective office | Opposing dynast candidate |
Eduardo “Ed” Gadiano | Occidental Mindoro | Partido Federal ng Pilipinas | 31 years (started 1994) | Unopposed |
Santiago “Santi” Cane Jr. | Agusan del Sur | National Unity Party | 30 years (started 1992) | No information shows that his major rival belongs to a political clan. |
Daniel Fernando | Bulacan | National Unity Party | 25 years (started 1980) | Wilhelmino Sy-Alvarado |
Jerry Dalipog | Ifugao | Lakas–Christian Muslim Democrats | 18 years (started 2004) | No information shows that his major rival belongs to a political clan. |
Melchor Diclas | Benguet | Lakas–Christian Muslim Democrats | 16 years (started 1992) | No information shows that his major rival belongs to a political clan. |
James Edduba | Kalinga | Lakas–Christian Muslim Democrats | 15 years (started 2007) | Jocel Baac |
Marisol “Sol” Aragones | Laguna | Akay National Political Party | 9 years (started 2013) | Ruth Hernandez |
Melecio “Mel” Go | Marinduque | Partido Demokratiko Pilipino | 6 years (started 2004) | Lord Allan Velasco |
Jose “Jing” Gambito | Nueva Vizcaya | Partido Federal ng Pilipinas | 3 years (started 2022) | Luisa “Banti” Cuaresma |
Patrick Azanza | Catanduanes | Independent | No prior elective position | Peter “Bosste” Cua |
Ronald “Jun” Aguto Jr. | Batanes | Partido Federal ng Pilipinas | No prior elective position | Medardo “Jun” Abad Jr. |
Source: Commission on Elections
Source: Commission on Elections
Samantala, ang karamihan, o 71 sa 82, na nangunguna sa pagka-gobernador ay may kamag-anak sa puwesto o matagal nang nakaupo ang pamilya sa puwesto.

— with research and reporting from Ciara Annatu, Christopher Bauso, Kevin Luis Fernandez, Dabet Panelo, and Eliseo Rioja
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT