Expired grocery items na pinapalitan umano ng petsa, nasabat sa Tarlac | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Expired grocery items na pinapalitan umano ng petsa, nasabat sa Tarlac

Expired grocery items na pinapalitan umano ng petsa, nasabat sa Tarlac

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Sinalakay ng NBI-Tarlac District Office ang isang bodega nitong Lunes na nag-iimbak ng mga expired grocery items at pinapalitan umano ang expiration date para maibenta sa mga sari-sari store sa Capas, Tarlac.

Ayon kay head agent Johnny Logrono, isang impormante ang nagsumbong sa kanila tungkol sa ilegal na gawain sa bodega.

“Informing us that some grocery items, particularly milk products at saka noodles and chocolates, were expired and were mislabeled and sold for public consumption,” sabi ni Logrono.

Sa bisa ng search warrant, tumambad sa mga operatiba ang kahon-kahong expired na produkto kabilang ang mga gatas, noodles, mayonnaise, at chocolate.

ADVERTISEMENT

Nakita na ang ilan sa mga produkto ay taong 2023 pa na-expire at ibinabagsak sa iba-ibang pamilihan sa mas murang halaga.

“Sa bodega, doon sila nag-relabel. Binubura nila ‘yung mga expiry date,” sabi ni Logrono.

“Ang nakakatakot dito, ‘yung mga buyers sa mga sari-sari store, hindi na tumitingin sa mga expiry date. Kasi mura siya, so nakakain ka agad, expired na pala ‘yung mga produkto.” 

Tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng mga nasabat na expired items na ayon sa NBI ay hindi na ligtas kainin. 

“It could cause food poisoning, diarrhea, and you don't know ano pa mangyayari sa atin pag ma-consume siya kasi expired siya lahat,” sabi niya. 

Wala ang may-ari ng bodega nang gawin ang pagsalakay pero sasampahan siya ng mga reklamong paglabag sa The Consumer Act at Food and Drug Administration Act. 

“Sa mga bumibili ng mga produkto ng mga special milk products and other grocery items, make sure to check whether it's really not expired kasi delikado po ito.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.