Mass wedding ng mga katutubong Mangyan, ginawa sa kagubatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mass wedding ng mga katutubong Mangyan, ginawa sa kagubatan
Mass wedding ng mga katutubong Mangyan, ginawa sa kagubatan. Larawan mula sa Sablayan local government

OCCIDENTAL MINDORO — Kakaibang kasalan ng mga katutubong Mangyan ang naganap sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon dahil ang wedding venue, sa mismong kagubatan sa Sitio Makambang, Barangay Poblacion.

Nasa 18 pares ng mga Mangyan mula sa tribung Alangan ang sabay-sabay na pinag-isang dibdib sa civil tribal mass wedding sa ilalim ng mga puno ng mahogany kasabay ng pagdiriwang ng Earth Day.

Hindi lamang umano simbolo ng matatag na pagmamahalan ng magkakapareha ang kanilang pagpapakasal dahil sumasagisag din ito ng pagmamahal sa kalikasan.

Mismong si Mayor Bong Marquez ang nagkasal sa mga Mangyan sa gitna ng kagubatan.
Mismong si Mayor Bong Marquez ang nagkasal sa mga Mangyan sa gitna ng kagubatan.
ADVERTISEMENT
Ang seremonya ay tugon sa kahilingan ng mga katutubo na gawing legal ang kanilang pagsasama, alinsunod sa pagkilala sa kanilang karapatan bilang mga kapwa mamamayan.

Bago ang kasalan, nagtanim ng mga punong Narra ang bawat magkakapareha. Ito'y pagsunod sa ordinansa ng bayan na nag-uutos ng pagtatanim ng puno bilang bahagi ng mga kasalang sibil.

Bukod sa pagbibigay ng legal na pagkilala sa mga magkasintahan, layunin din ng aktibidad na itaguyod ang adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan at pagtutulungan ng buong komunidad tungo sa isang mas luntiang kinabukasan.