Lalaking wanted sa statutory rape, naaresto matapos mag-post sa social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking wanted sa statutory rape, naaresto matapos mag-post sa social media

Lalaking wanted sa statutory rape, naaresto matapos mag-post sa social media

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard



MAYNILA — Inaresto ang isang 21-anyos na construction worker na wanted sa kasong statutory rape matapos umanong gahasain ang 13-anyos na kaibigan sa Tanay, Rizal.

Sa imbestigasyon ng Rizal police, May 2024 nangyari ang insidente sa bahay ng suspek.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang magulang at agad itong idinulog sa pulisya.

January 2025 nang lumabas ang arrest warrant laban sa lalaki at mula noon ay nagtago na siya, ayon sa pulisiya.

ADVERTISEMENT

Naaresto ang lalaki sa isang ospital sa Morong, Rizal matapos mag-post sa social media na manganganak na ang kanyang live-in partner noong April 15, 2025. 

"Nalaman na lang ng ating kapulisan nag-post siya sa social media na manganganak 'yung kanyang misis sa ospital. Ini-trace ng ating mga operatiba kung saan iyon at napag-alaman, doon na natunton at naaresto," sabi ni Rizal police chief Col. Felipe Maraggun. 

Itinanggi ng suspek ang paratang.

"Hindi po totoo 'yun, napagkamalan lang po ako. Tsaka hindi naman po pwede mangyari 'yung ganon kasi may asawa po ako," sabi ng 21-anyos na lalaki.

Nasa kustodiya na siya ng Tanay police at nahaharap sa kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.