54-anyos patay sa pamamaril bunsod ng road rage sa Rodriguez, Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

54-anyos patay sa pamamaril bunsod ng road rage sa Rodriguez, Rizal

54-anyos patay sa pamamaril bunsod ng road rage sa Rodriguez, Rizal

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

RODRIGUEZ, Rizal – Patay nitong Lunes ang 54-anyos na lalaking driver sa Rodriguez, Rizal matapos umanong pagbabarilin ng kapatid ng suspek na nakaalitan niya sa daan.

Sa dashcam video ng isang motoristang napadaan sa Daang Bakal Street sa Baranggay Manggahan, makikita ang pamamaril ng isang suspek sa biktima na kinilalang si Ronilo Garcia. Nagawa pa niyang hampasin ng hawak na tubo ang suspek bago siya napahandusay.

Sumugod ang mga kaanak ng lalaking biktima at pilit silang inawat.

Pero maya-maya pa, umalis na ang gunman na hinahabol din ng ilang kaanak ng biktima.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga awtoridad, unang nakaalitan ng kapatid ng suspek ang biktima.

Kasalukuyang nakaburol si Garcia at nasa pulisya naman ang kanyang asawa para sa imbestigasyon.

Umiiyak na humarap sa ABS-CBN News ang nanay ng dalawang suspek at sinabing hindi pa sila bumabalik sa kanilang bahay mula nang mangyari ang insidente noong Lunes.

Nanindigan din siyang hindi sila ang nagsimula ng gulo at hindi niya rin alam kung saan nakuha ang baril.

“Hindi nakita sa video ang pambubugbog sa anak ko. Binugbog ang anak ko, pinalo sa ulo... pinalo niya sa likod... Siya ang naunang humawak sa anak ko. Tapos ang anak ko tumakbo dito sa amin. ‘Mama, mama’ duguan ang anak ko sir,” sabi ni Angelita. 

ADVERTISEMENT

“Ang alam ko lang may napulot silang baril sa ilog noong Ondoy. Wala kaming alam,” aniya.

Nakiusap siya sa kanyang dalawang anak na sumuko na sa awtoridad at harapin ang kamay ng batas para sa ikakatahimik ng dalawang panig.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Rodriguez Municipal Police Station habang patuloy ang pag-iimbestiga sa insidente.

Wala ring binigay na detalye ang pamunuan ng Barangay Manggahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.