2 rider sugatan sa salpukan ng sasakyan sa Commonwealth Avenue

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 rider sugatan sa salpukan ng sasakyan sa Commonwealth Avenue

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Dalawa ang sugatan matapos bumangga ang isang motorsiklo sa nakaparadang delivery rider, na tumama naman sa likod ng isang bus sa tapat ng Commonwealth Elementary School nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nakahinto ang bus sa motorcycle lane ng Commonwealth Avenue. Ilang saglit pa, isang paparating na motorsiklo ang bumangga sa delivery rider na nakatigil sa likod ng bus.

“Nakahinto kami, nagbababa kami ng pasahero. Nagulat na lang ako na may bumunggo sa likod ko. Paalis na nga kami eh nung time na ’yon,” sabi ng 40-anyos na driver ng bus na patungong Fairview.

Dagdag pa niya, maliit na sira sa bumper lamang ang tinamo ng bus sa insidente.

ADVERTISEMENT

Nagtamo ng sugat sa mata at bukol sa noo ang 39-anyos na delivery rider. Iniinda rin niya ang sakit sa kanyang tuhod.

“Nand’yan ako sa motor lane, biglang may bumangga sa akin sa likuran… pauwi na ako ng Montalban,” aniya.

“Sana bigyan din ng hustisya, kaso may binubuhay akong pamilya sa probinsya… wala na tayong pera, ma’am, pang-kaso,” dagdag pa niya.

Samantala, nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang rider na unang bumangga. Tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Agad namang rumesponde ang barangay ambulance at isinugod sa ospital ang dalawang sugatan.

ADVERTISEMENT

“Sabi nung mga nakausap naming dumaan, lasing daw [ang unang rider na nakabangga]… kailangan nila mag-ingat, lalo na ganyang naka-inom sila,” ayon kay Gloria Taaca, medic ng Barangay Commonwealth.

Dagdag pa niya, accident-prone ang Commonwealth Avenue kaya’t hinikayat niya ang mga motorista na bagalan ang takbo at magdoble ingat sa kalsada.

Patuloy na iniimbestigahan ng QCPD Traffic Sector 5 ang insidente.


IBA PANG ULAT




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.