14-anyos na rider binangga ang motor taxi sa Tandang Sora, 2 sugatan

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

14-anyos na rider binangga ang motor taxi sa Tandang Sora, 2 sugatan

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

 QCPD TRAFFIC SECTOR 6 QCPD TRAFFIC SECTOR 6 

MAYNILA — Sapul sa CCTV ang pagbangga ng isang motorsiklo na minamaneho ng 14-anyos na binatilyo sa isang motor taxi na may sakay na pasahero sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Quezon City, Miyerkoles ng gabi, June 18, 2025.

Sa CCTV pasado 10:30 ng gabi, makikita na pahinto na sa tabing-kalsada ang isang motorsiklo nang bigla itong banggain ng isa pang motorsiklong humaharurot.



"Ayon sa ating biktima na pasahero ng motorcycle rider taxi at pababa na malapit sa kanyang tinitirhan, na-hit sila ng mabilis na motorsiklo at nagtuloy-tuloy lang ang nasabing motorsiklo," sabi ni Police Lieutenant Charly Dela Cruz, Assistant Commander ng QCPD Traffic Sector 6.

"Ang rider po natin ay nagtamo ng gasgas sa kanyang kaliwang kamay. 'Yong pasahero naman iniinda ang pananakit ng kanyang katawan," sabi ni PLt. Dela Cruz.

ADVERTISEMENT

Sa backtracking ng pulisya sa CCTV ng barangay nakitang tumakas papunta sa Upper Banlat Road ang nakabanggang rider at dumiretso sa Australia Street, kung saan natagpuan ang abandonadong motorsiklo kinabukasan sa follow-up operation.

"May isang lalaki na lumapit sa ating kasamahan at nagsabi na ang kanyang anak ay 'yung rider na tumakas sa nasabing banggaan," sabi ni PLt. Dela Cruz.

Lumabas sa imbestigasyon na tinakas ng menor de edad ang motorsiklo.

"Ayon po sa tatay ng minor, habang siya ay natutulog ay tinakas ng kanyang anak ang motorsiklo para kumain sa convenience store," sabi ni PLt. Dela Cruz.

Nagkaareglo rin ang tatay ng menor de edad na rider at mga biktima at hindi na nagsampa pa ng reklamo.

Kinilala na rin ng pulisya ang angkas ng suspek at patuloy siyang pinaghahanap.

"Nirefer po natin ang minor sa Social Services Development Deparment ng Quezon City para sumailalim sa counseling at iba pang social intervention," dagdag ni PLt. Dela Cruz.

RELATED VIDEO:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.