Vietnamese na nagpapanggap na cosmetic surgeon timbog sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vietnamese na nagpapanggap na cosmetic surgeon timbog sa QC

Vietnamese na nagpapanggap na cosmetic surgeon timbog sa QC

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Kalaboso ang isang Vietnamese national na nagpapanggap umano na cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic clinic sa Quezon City. 

Base sa ulat ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD), hindi lisensyado ang mga dayuhang doktor sa naturang clinic.

“Gumagawa sila ng mga minor surgeries sa mukha ng mga pasyente. Which is, dapat, mga licensed doctors lang ang pwedeng gumawa nito,” ayon kay Atty. Jerome Bomediano, hepe ng NBI-OTCD.

“Tapos, malakas ang loob nito kasi nag-advertise pa itong mga ito sa social media.” 

ADVERTISEMENT

Nag-aalok sila ng malaking diskwento sa mga serbisyo tulad ng botox, lip at chin filler, eyelid surgery, at alar trimming.

Ayon sa NBI, delikado ito dahil hindi dumadaan sa tamang assessment ang mga kliyente. 

“Kaya maraming Pilipino na medyo naengganyo sa kanila, kasi napakababa talaga ‘yung offer nila. Isa pa sa dapat magduda ka nito, kasi walang proper assessment,” sabi ni Bomediano.

“‘Pag palpak ‘yung ginawa nitong mga ito, lilipad lang ito ng ibang bansa. Wala na, kawawa ‘yung mga kababayan natin,” dagdag niya.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang Vietnamese na sinampahan ng reklamong illegal practice of medicine.

Paalala naman ng NBI sa publiko, tangkilikin ang mga lehitimong clinic para masigurong ligtas ang mga isasagawang procedure sa katawan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.