Mga labi ng nasawi sa aksidente sa NAIA ibinyahe na sa Bulacan at Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga labi ng nasawi sa aksidente sa NAIA ibinyahe na sa Bulacan at Batangas

Christopher Sitson,
ABS-CBN News
Published May 05, 2025 08:13 AM PHT
|
Updated May 05, 2025 03:54 PM PHT

Courtesy: contributed

Courtesy: contributed

MAYNILA -- Ibinyahe na sa Bulacan at Batangas ang mga labi ng 29-anyos na lalaki at 4-anyos na babae na parehong nasawi sa aksidente sa NAIA Terminal 1 Departure Area, nitong Linggo ng umaga, May 4, 2025.

Dinala sa Veronica Funeral Home sa Pasay City ang mga labi para isaayos bago ito tuluyang ibinyahe patungo sa mga tahanan ng mga nasawi.

Tumulong ang Overseas Workers Welfare Administration sa pag-aasikaso sa labi ng batang babae dahil ang mga magulang niya ay parehong OFW.

Ihahatid lang sana sa airport ng 4-anyos na biktima ang kaniyang tatay na babiyahe sana paputang Czech Republic para magtrabaho nang mangyari ang malagim na aksidente.

Ayon sa pamilya ng 4-anyos na batang nasawi, naoperahan na sa bahagi ng tiyan ang nanay ng bata na sugatan sa aksidente.

Patuloy siyang nagpapagaling kasama ang kaniyang biyenan na kabilang din sa sugatan.

Tumanggi na munang humarap sa camera ang pamilya ng mga nasawi.

Nakaburol na sa Hagonoy, Bulacan ang labi ng 29-anyos na lalaki na nasawi rin sa aksidente.

Ngayong Lunes, May 5, 2025, ilalabas ang resulta ng medical examination ng 47-anyos na driver ng SUV na nakabangga sa mga biktima, ayon sa NAIA Police.

Kabilang sa medical examination ang alcohol at drug test.

Isasailalim din siya sa inquest proceedings sa Pasay Prosecutor's Office.

Posibleng maharap ang driver ng SUV sa kasong Reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

Nasa kustodiya ng NAIA Police ang suspek.

KAUGNAY NA ULAT:
Read More:
ABSNews
tagalog news
naia
naia accident
accident
5 years old na babae
ofw
SUV
departure area
terminal 1
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT