Lalaki arestado sa shabu 'drug den' sa Quezon City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado sa shabu 'drug den' sa Quezon City

MAYNILA — Kalaboso ang isang lalaki matapos makuhanan ng ilegal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation ng NBI-Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) sa isang subdivision sa Quezon City.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga operatiba ang bahay ng suspek na matagal nang minamanmanan dahil sa umano’y pagtutulak ng shabu sa lugar.

“This case was referred to us by a concerned resident nung subdivision because they were alarmed na maraming nagpupunta doon sa bahay na ‘yun na hindi naman taga doon, unusual ‘yung activity doon,” ayon kay Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng NBI-DDD.

Tumambad sa mga awtoridad ang iba-ibang drug paraphernalia tulad ng aluminum foil, lighter, at portable weighing scale sa loob ng kwarto ng suspek.

Nasamsam din ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na kalauna’y kinumpirma ng NBI-Forensic Chemistry Division bilang ilegal na droga.

“We believe that this is a drug den. Doon sila bibili, doon na rin sila gagamit. But unfortunately, you have to establish habituality,” sabi ni Galicia.

“But the fact that maraming used foils and maraming pang unused, so it's being used as a drug den.”

Inamin naman ng suspek na dati siyang gumagamit at nagtutulak ng droga, pero itinanggi niyang sa kanya ang lahat ng narekober na ebidensya.

Nahaharap ngayon ang suspek sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read More:
ABSnews
ANC Promo
NBI
Nationl Bureau of Investigation
Comprehensive Dangerous Drugs Act
Shabu
Drugs
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT