Shabu nakumpiska sa car painter sa Valenzuela | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Shabu nakumpiska sa car painter sa Valenzuela

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nasakote sa Barangay Arkong Bato, Valenzuela City, ang isang 42-anyos na car painter matapos siyang maaktuhan na may dalang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P686,800 sa isang buy-bust operation nitong ika-2 ng Abril, 2025.

Ayon kay PCol. Nixon Cayaban, Valenzuela Police Station commander, ikinasa nila ang operasyon nang makatanggap ng impormasyon na may residente ng Sta. Maria, Bulacan na dumayo ng Valenzuela para magbagsak ng droga.

“Based on records, the suspek has already a drug case in 2021 in Pasay. Mostly ang kanyang kliente ay dito po sa Arkong Bato and some areas in Bulacan like Sta. Maria and Malolos and Balagtas,” pahayag ni PCol. Cayaban.

Nasamsam mula sa suspek ang humigit kumulang 101 gramo ng hinihinalang shabu, na ayon sa pulisya ay ibinebenta niya sa mga construction worker at truck driver.

Dagdag ni PCol. Cayaban, dati’y gumagamit lang ng droga ang lalaki, pero matapos makalaya noong 2023, siya na mismo ang nagpatakbo ng bentahan nito.

Patuloy na iniimbestigahan ng Valenzuela Police ang pinagmumulan ng droga.

Itinanggi naman ng suspek na siya ay nagbebenta o gumagamit ng droga.
“Di totoo ‘yan… inosente po ako… ‘yun ang po yung trabaho ko eh, pagpi-pintor,” aniya.

Nasa kustodiya na ng Valenzuela Police ang suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.