FACT CHECK: Hindi ibinalita ng ANC na ikinulong si First Lady Marcos sa US | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi ibinalita ng ANC na ikinulong si First Lady Marcos sa US

Kevin Luis Fernandez,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Apr 03, 2025 04:32 PM PHT
|
Updated Apr 03, 2025 04:58 PM PHT

.png)
Pinutol ang isang ulat ng ABS-CBN News Channel (ANC) sa programang Market Edge para pagmukhaing ibinabalita diumano nito na ikinulong si First Lady Liza Marcos sa Los Angeles, United States.

Mapapanood sa nasabing putol na bidyo si ANC anchor Michelle Ong na sinasabing: "First Lady Liza-Araneta Marcos has been detained in Los Angeles in the US.” Nilapatan din ito ng tekstong “Hala totoo pala!!😱” at nilagyan ng caption na “Ano ba talaga 🤔🤔.”

Kuha ang putol na clip (0:03 hanggang 0:21) mula sa Marso 13, 2025 na ulat sa Market Edge.

Hindi isinama ng mapanlinlang na bidyo ang unang bahagi ng ulat ni Ong. Sa orihinal na bidyo, ang buong sinabi ni Ong ay: “Malacañang, meanwhile, refuting social media posts claiming First Lady Liza Araneta Marcos has been detained in Los Angeles in the US.”

Iniulat noong Marso 13, 2025 na pinabulaanan ng Malacañang ang pinakakalat na balitang ‘detained’ ang first lady sa ibang bansa.

“There is no truth that [the First Lady] was held by any law enforcers while in Los Angeles or in any other place,” paglilinaw ng Presidential Communications Office.

Totoo namang nagpunta sa Los Angeles si Marcos para sa Manila International Film Festival na naglalayong i-promote ang mga pelikulang Pilipino sa international stage.

Hindi ito ang unang beses na na-factcheck ang mga minanipulang ulat ng ABS-CBN News Channel.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X (formerly Twitter) account @abscbnfactcheck.
Read More:
Liza Marcos
ABS-CBN News Channel
ANC
Los Angeles
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ABSnews
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT