FACT CHECK: ‘Di totoo ang Pasig mayoralty race survey kung saan nangunguna si Discaya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di totoo ang Pasig mayoralty race survey kung saan nangunguna si Discaya
Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Apr 24, 2025 04:13 PM PHT

Hindi totoo ang kumakalat na larawan na nagpapakitang diumano’y mas mataas ang survey rating ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya kaysa kay reelectionist Mayor Victor "Vico" Sotto.

Mababasa sa larawan ang mga tekstong “SWS SURVEY TRUST APPROVAL RATING Apri 1-12, 2025.” Maaari itong tumutukoy sa survey firm na Social Weather Stations o SWS na karaniwang nagsasagawa ng election survey.

Mababasa rin sa larawan ang tekstong “MAYORALTY RACE” kalakip ang larawan nina Discaya at Sotto. Makikitang nagtamo diumano ng 48% rating si Discaya habang 45% naman ang katunggaling si Sotto.

Nakalagay din sa ibaba na “PASIGPH CHAPTER” diumano ang nagsagawa ng sinasabing survey habang “PHILTECHDEV TRANSPARENCY SURVEY” naman ang umano’y source nito.

Sa isang Facebook post, nilagyan ng caption ang larawan ng “Ate Sarah’s Hard Work is Paying Off!... Let’s keep the momentum going. Tuloy-tuloy lang po ang laban para sa #BagongPasig!”

Ang totoo, wala ang nasabing Pasig mayoralty race survey sa official website ng SWS.

Ayon din kay Leo Laroza, SWS Director for Communications and IT, “satisfaction rating” ang ginagamit na termino ng kanilang polling firm sa pagsukat kung nasiyahan ba ang mga tao sa ginawang trabaho ng isang opisyal, hindi “approval rating.”

Dagdag pa niya, isinasagawa lamang ang satisfaction rating survey para sa mga kawani ng gobyerno na mayroong official public duties gaya ng mga nahalal or nahirang na opisyal. Base sa pamantayang ito, hindi pasok si Discaya dahil wala siyang kasalukuyang posisyon sa gobyerno.

Isang negosyante si Discaya at may-ari siya ng private construction company na St. Gerrard General Contractor and Development Corporation.

Hindi rin malinaw ang pagkakakilanlan ng mga nabanggit sa references na PASIGPH CHAPTER at PHILTECHDEV TRANSPARENCY SURVEY. Kung gagamitin ang Google search, lumalabas lamang ang kanilang pangalan sa iba pang mga kaduda-dudang survey.

Noong 2021, kinwestyon ni dating Commission on Elections Spokesperson James Jimenez ang authenticity ng isang infographic na naglalaman ng isa umanong survey sa Pasig City. Kapansin-pansin ang pagkakahawig ng kulay, font, at tekstong ginamit dito sa kasalukuyang kumakalat na pekeng survey.

Nakapagtamo na ng pinagsamang 13K likes at mahigit 2K shares ang larawan ng pekeng survey na ginamit sa hindi bababa sa dalawang Facebook posts.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Vico Sotto
Sarah Discaya
Pasig City
SWS survey
satisfaction rating
trust rating
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT