TV PATROL: 1 patay, 4 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Makati City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TV PATROL: 1 patay, 4 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Makati City
ABS-CBN News
Published Apr 15, 2025 09:36 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang babae habang apat pa ang sugatan nang araruhin sila ng isang SUV sa Guadalupe Nuevo, Makati City nitong Lunes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng Makati Traffic Police, naiwang nakahambalang ang SUV sa tapat ng isang sanglaan. Nanay lamang ng may-ari ng SUV ang nasa loob ng sasakyan nang lapitan ito ng isang guwardya para paalisin.

Dahil walang driver, nagprisinta ang guwardya na imaneho ang SUV. Pero nang ibaba umano ng gwardya ang hand brake, biglang dumiire-diretso ng takbo ang sasakyan at sinapol ang mga naglalakad sa bangketa.

Agad namang naaresto ang guwardya. Itinanggi naman ng nanay ng may-ari ng SUV na pumayag siyang galawin ng guwardya ang kanilang sasakyan.

Nasampahan naman na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang suspek. TV Patrol, Martes, 15 Abril 2025

Read More:
TV Patrol
inararo ng SUV
Guadalupe Nuevo
Makati City
Makati Traffic Police
guwardiya
security guard
kasong reckless imprudence resulting in homicide ang damage to property
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT