FACT CHECK: Mga post kinwestyon ang arrest warrant ng ICC para kay Rodrigo Duterte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Mga post kinwestyon ang arrest warrant ng ICC para kay Rodrigo Duterte

Eliseo Ruel Rioja,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Mar 13, 2025 12:47 PM PHT
|
Updated Mar 13, 2025 03:20 PM PHT

Taliwas sa kumakalat sa social media, totoo at may bisa ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kasong crimes against humanity.

Hindi bababa sa sampung posts sa iba’t ibang social media platforms ang kumwestyon sa validity ng arrest warrant na naging batayan para ilagay si Duterte sa kustodiya ng Philippine National Police noong Marso 11, 2025.

Ipinaabot sa headquarters ng Interpol Manila ang arrest warrant na may petsa na Marso 7, 2025 kaugnay ng imbestigasyon ng ICC sa drug war noong administrasyong Duterte.

Iba’t iba ang ginamit na dahilan ng mga post upang kwestyunin ang bisa ng arrest warrant.

ADVERTISEMENT
Hindi umano posibleng pareho ang mga judge na nakapirma sa arrest warrant at sa court order para sa Italian government na magkalapit ang petsa dahil lumilipat umano sa iba’t ibang division ng Korte ang mga judge. Hindi umano pwedeng e-signature ang gamitin sa arrest warrant. Wala rin umanong record ng arrest warrant sa website ng ICC. At pineke lamang umano ang case number na makikita sa arrest warrant dahil parehas ito sa makikita sa isang “July 2023 case.”

Taliwas sa unang claim, pareho ang nakapirma sa arrest warrant para kay Duterte at sa court order para sa Italian government kaugnay sa sitwasyon sa Libya dahil parehong nakatalaga ang dalawang kaso sa Pre-Trial Chamber I.

Ang komposisyon ng Pre-Trial Chamber I at ang pagtatalaga ng mga kaso rito ay itinatakda ng tinatawag na Presidency ng ICC batay sa Rule 4(2) ng Rules and Procedures at Regulation 46(2) ng Regulations of the Court nito. Binubuo ang Presidency ng president at dalawang vice presidents na mula sa 18 judges ng ICC.

Para sa pangalawang claim, hindi rin agad nangangahulugang peke ang arrest warrant kung sakali mang e-signature ang ginamit dito dahil kinikilala ng ICC ang validity ng electronic documents. Batay sa Regulation 26(3) ng Regulations of the Court, “[t]he electronic version of filings shall be Authoritative.”

Kung tutuusin, ang court order sa Italian government na kinukumpara sa arrest warrant para kay Duterte ay maituturing na “authoritative” dahil nauna na itong ini-upload sa website ng ICC.

Sa pangatlo namang claim, naka-classify bilang “Secret” ang arrest warrant laban sa dating Pangulo. Hindi ito kaagad naging available sa publiko hanggang makaalis ang eroplanong lulan si Duterte patungong The Hague, Netherlands kung nasaan ang ICC.

Sa huling pagtingin ng ABS-CBN Fact Check umaga noong Marso 12, 2025, makikita na ang dokumento sa website ng ICC at mababasa sa header na re-classified na ito bilang “Public.”

Taliwas sa ikaapat na claim, itinakda ng ICC ang situation code na “ICC-01/21” kaugnay sa imbestigasyon tungkol sa war on drugs ni Duterte. Dahil dito, ang nasabing code ang makikita sa mga dokumentong may kinalaman sa isyu gaya ng sinasabing July 2023 document na naglalaman ng desisyon ng ICC tungkol sa apela ng Pilipinas.

Naitala ng ABS-CBN Investigative and Research Group ang mahigit pitong libong kaso ng pagkamatay na may kaugnayan sa ilegal na droga mula Mayo 10, 2016, isang araw matapos ang 2016 election kung saan nanalong pangulo si Duterte, hanggang Mayo 20, 2022, isang buwan bago matapos ang kanyang termino.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Rodrigo Duterte
warrant of arrest
International Criminal Court
ICC
war on drugs
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT