17-anyos na lalaki patay matapos tagain ng sariling bayaw | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

17-anyos na lalaki patay matapos tagain ng sariling bayaw

17-anyos na lalaki patay matapos tagain ng sariling bayaw

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patay ang isang disi-syete anyos na lalaki matapos siyang pagtatagain ng itak ng sarili niyang bayaw, sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagong Nayon sa Antipolo, Rizal  alas tres ng madaling araw noong Linggo.

Kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Mark Florence Cepe.

Ayon kay Police Captain Alnor De Vera Tagara, Chief of Investigation and Operation Section ng Antipolo Police, magkatrabaho din ang suspek at ang biktima. Galing sila sa isang Christmas Party at nakauwi na sila sa bahay bago nangyari ang krimen.

Lumabas sa imbestigasyon na parehong nakainom ng alak ang dalawa.

ADVERTISEMENT

"Itong magkasama sa trabaho dumating mula sa kanilang Christmas party. Nagkaroon ng pagtatalo, nataga ng suspek ang biktima. Nakausap pa ng nanay ['yung biktima] bago tuluyang madala sa ospital, na-narrate niya 'yung pangyayari kung sino gumawa noong sa kanya at sinong nanaga," sabi ni Tagara.

Ayon naman kay Joseph Delos Santos, tiyuhin ng biktima, inamin din ng suspek na nakagamit sila ng droga. 

"Nakarating na po sila sa loob ng bahay, nagkaroon pa sila ng asaran. Sabi ng biktima, pabiro 'tagain kita dyan eh'. Dinibdib ng suspek. Nag-advance ang isip ng suspek na unahan na. Pagpasok niya sa bahay ung biktima nagcecellphone katabi 'yung itak. Inunahan na niya, sinipa niya biktima, initak niya, sinaksak sa dibdib at tinaga. Naputol ang kamay," aniya.

Naisugod pa sa ospital ang binatilyo pero namatay din dahil sa tindi ng pinsalang tinamo niya sa kamay, ulo at katawan.

Ayon sa Antipolo Police, mismong ang mga kaanak ng 24-anyos na suspek ang nagdala at nagsuko sa kanila sa mga taga-barangay.

ADVERTISEMENT

"Yung kamag-anak ng suspek natin ay boluntaryong isinuko 'yung suspek sa barangay. 'Yung mga taga barangay dinala naman sa police station ang suspek," sabi ni Tagara.

Pero ayon sa  suspek, self defense lamang umano ang kanyang ginawa.

"Natutulog kasi ako, biglang hinampas ako ng kahoy, tapos binantaan ako na sasaksakin niya daw ako papatayin. Eh nagulat po ako. Nung pagtayo niya, sinipa ko na kasi hawak na po niya 'yung itak eh..nagdilim po 'yung paningin ko eh. Hindi ko na po alam, syempre po nagdilim na paningin ko," sabi ng suspek.

"Pinalabas niya na self defense pero hindi po kasi nasa loob ng bahay ang biktima dun sa kwarto niya at pinasok niya po talaga doon at intention niya na unahan na. Pagdusahan niya 'yung kanyang ginawang krimen kasi buhay po 'yung inutang niya. Pagdusahan na lang niya kung ano ang ipapataw ng ating hukuman korte," sabi naman ni Delos Santos, kaanak ng biktima.

Nakakulong na ngayon sa Antipolo Police ang suspek na mahaharap sa reklamong murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.