Tindahan ng damit sa Quiapo nasunog bago mag Simbang Gabi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tindahan ng damit sa Quiapo nasunog bago mag Simbang Gabi

Nasunog ang isang tindahan ng damit sa Rizal Avenue Quiapo, Maynila pasado 12:30 a.m. ngayong Lunes, Disyembre 16 kung saan aabot sa mahigit dalawang milyong pisong halaga ng mga paninda ang natupok.

Kwento ng bantay nang nasunog na gusali na si Rolando Torijos, natutulog siya sa bangketa nang bigla na lang may usok na lumabas mula sa loob ng tindahan.

“May nakita akong usok, hindi ko alam san galing. Pagsilip ko sa loob, may butas ‘yan eh, andun ‘yung apoy sa loob. Tumawag ako ng bumbero agad,” sabi ni Torijos.

Ayon sa may-ari ng tindahan na si Muhammad Liton Khan, limang taon na niyang pinatatakbo ang negosyo at ito ang unang pagkakataong nasunog ito. Ngayong Disyembre na lang din anya siya makababawi sana sa kita.

Dagdag pa niya, mahigit dalawang milyong pisong halaga ng kaniyang paninda ang naabo.

“I'm sleeping now, somebody called me, have a fire. How can I explain this, I'm very sad because 10 months, 11 months no good business,” pahayag ni Khan.

Sinabi ni Senior Fire Inspector Ronald Lim, Station 1 Commander ng Manila Fire District, umabot sa mahigit tatlumpung minuto bago naapula ang apoy na itinaas sa unang alarma.

“Ito pong building na ito is limang palapag. Ang involved lang po dito is ‘yung ground floor at second floor. Commercial po siya. Wala po tayong nasaktan. Mabilis po ‘yung responde natin,” ayon kay Senior Fire Inspector Lim.

Patuloy na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang dahilan ng apoy at kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.