Ilan ba ang mga ilegal na POGO sa Pilipinas?

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilan ba ang mga ilegal na POGO sa Pilipinas?

Patrol ng Pilipino

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Mahigit 250 mula sa tinatayang 300 na mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang ilegal na nag-ooperate sa Pilipinas, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Taong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang sinimulang pangasiwaan ng PAGCOR ang mga POGO. 

Tinawag ni Duterte noong 2020 na “malinis” ang mga POGO. 

Nagsimulang magsulputan ang mga POGO sa Pilipinas matapos itong ipagbawal sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT

Pinasok ng mga POGO ang bansa nang nakitang maluwag noon ang PAGCOR, kuwento ng kasalukuyang chairman at CEO ng gaming regulator na si Alejandro Tengco, 
Hindi rin aniya natunton ng PAGCOR na may kalakip nang kriminalidad ang POGO.

Pero sa nakaraang mga taon, napansin naman ang mga POGO dahil sa mga raid sa kanila kaugnay ng ilegal na gawain. 

May panawagan na ring “total ban” dahil sa banta umano ng mga ito sa kaligtasan at seguridad ng bansa.

Ayon naman sa PAGCOR, madedehado ang Pilipinas kapag nawala ang mga POGO dahil umabot sa P20 billion ang ambag nito sa gross domestic product ng bansa noong 2023.

– Ulat ni Victoria Tulad, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.