Mga motoristang nahatakan ng sasakyan ng MMDA, kanya-kanyang tubos sa impounding area sa Marikina | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga motoristang nahatakan ng sasakyan ng MMDA, kanya-kanyang tubos sa impounding area sa Marikina

Mga motoristang nahatakan ng sasakyan ng MMDA, kanya-kanyang tubos sa impounding area sa Marikina

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagsagawa ang MMDA ng clearing operations sa Mabuhay Lanes. Handout/MMDANagsagawa ang MMDA ng clearing operations sa Mabuhay Lanes. Handout/MMDA

MAYNILA -- Umabot sa 89 ang mga sasakyan na naisyuhan ng citatation tickets ng MMDA sa isinagawang clearing operation sa Quezon City nitong Martes. 

Ayon sa MMDA, sa naturang bilang, 26 ang nahatak o na-impound sa impounding area sa Bgy. Tumana sa Marikina City. 

Kabilang sa mga car owners na maagang nasa Marikina para tubusin ang kanilang mga sasakyan ang 58-anyos at PWD na si Eduardo Gutierrez. 

Miyerkules ng umaga nang mahatak ang kanyang sasakyan sa Bgy. Bahay Toro sa Quezon City matapos iwan ito sa kalsada na inabutan naman ng clearing team. 

ADVERTISEMENT

Kuwento ni Gutierrez, naka-schedule kasi siyang magpa-checkup sa ospital para sa iniindang karamdaman kaya minabuting iwan ang sasakyan doon kahit alam na bawal pumarada dito. 

Aminado si Gutierrez na mali ang pagkaparada niya at handa namang magbayad sana subalit ang naging reklamo niya ay nang isinama pa siya ng mga tauhan ng tow truck sa Marikina at pinapaniwalang P1,000 lang ang babayaran para matubos ang sasakyan. 

“Sumama ka na lang sir kung gusto mo, makukuha mo ngayon… Ang hinihingi nila sakin P4,700 ang pera ko lang P1,000 kaya hindi ko kayang tubusin sabi ko. Kung alam ko lang na ganyan kalaki ‘bat sinama n’yo pa ko dito,” kuwento ni Gutierrez. 

Ang taxi driver na si Rex Mendoza, problemado dahil hindi na nga nakapasada maghapon, inaalala pa kung saan kukuha ng pantubos dahil hindi naman din aniya ito sasagutin ng kanyang operator lalo’t aminadong siya din ang may sala.   

”Bale gagawan po ng paraan para matubos yung sasakyan, wala na pong magagawa sir kumbaga talagang ganon. Wag nang magpa-park ng iligal, katulad nito abala - tsaka gastos din,”  sabi ni Gutierrez. 

ADVERTISEMENT

Aminado ang MMDA na nagbabalikan ang mga sasakyan sa dati nilang puwesto matapos ang bawat clearing operation ng grupo.

Gaya na lang sa 2nd Avenue sa Bgy. Bagong Lipunan malapit sa Camp Crame na parang walang nangyaring clearing operation nitong Martes dahil madami ulit ang nakaparadang sasakyan. 

Sabi ni Gabriel Go, OIC, head ng MMDA Strike Force, babalik-balikan nila ang mga kalyeng gaya nito hanggang sa magtanda ang mga ginagawang parking area ang lugar na bawal dapat. 

“That’s what we’re trying to change, yung mindset ng ating mga motorista- iniisip nila once na nag-operate, tapos na eh, hindi na ‘to babalik o baka bukas na sila bumalik. That’s one thing we want to set straight yung disiplina po sa kalsada…whether may operation, may enforcer na nagbabantay or wala as long as alam naman po natin na bawal pumarada dapat hindi po tayo dapat pumarada dito. Lalong-lalo na po mga Mabuhay Lanes po ito,” sabi ni Go. 

Sabi ng MMDA, depende sa sasakyan na mahahatak ang babayaran ng may-ari nito. 

ADVERTISEMENT

Kung light vehicles gaya ng sedan, jeep o pickup, ang towing fee ay mula P1,500 sa unang apat na kilometro ng biyahe at karagdagang P200 sa bawat susunod na kilometrahe ng biyahe. 

Kung mga medium size vehicle naman gaya ng truck at bus na may bigat na mula 4,501 hanggang 7,500 kilos…kailangan ninyong maghanda ng pantubos na mula P2,500 sa unang apat na kilometro ng biyahe at additional na P200 din sa susunod pang kilometrahe.

P4,500 naman ang towing fee para sa mga malalaking sasakyan gaya ng container van at  trailer truck para s aunang apat na kilometro at dagdag na P200 sa succeeding kilometers. 

Nitong Miyerkules ng gabi, ang Road-10 naman sa Maynila ang pinuntirya ng clearing operation ng MMDA. 

Sabi ni Go, hahatakin pa rin talaga ang sasakyan na iligal na nakaparada sa isang partikular na lugar kahit pa dumating na ang may-ari nito dahil nagkaroon na ng violation o paglabag sa traffic rules and regulation. 

ADVERTISEMENT

“Kasi ang mga sasakyan, once you are illegally parked…’pag andiyan ang driver - attended. Which is yun nga po, ipe-present yung license, matitiketan sila. Pag unattended na po yung sasakyan at na-tow na kayo or on the process of towing automatically the towing is already commenced so hindi na puwedeng ibaba po yun” paliwanag ni Go.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.