FACT CHECK: Walang hiring ng K-12 graduates ang BFP | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Walang hiring ng K-12 graduates ang BFP

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Apr 26, 2024 02:40 PM PHT
|
Updated Jun 11, 2024 02:05 PM PHT

Hindi galing sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang kumakalat na post sa social media tungkol sa diumano’y hiring ng ahensiya ngayong 2024 para sa mga K-12 graduates.

Isang larawan na nagsasabing may hiring diumano ang BFP ang ibinahagi ng Facebook page na “PRC News and Updates.” Nakalagay dito ang diumano’y buwanang sweldo na P32,000. Sinabi rin sa larawan na kinakailangang hindi baba sa limang talamkapan ang tangkad ng aplikante at walang age limit ang mga mag-aapply.

Mayroon itong caption na: “BUREAU OF FIRE PROTECTION BFP HIRING GET YOUR SLOT NOW APPLY HERE ALL APPLICANTS MUST APPLY VIA ONLINE Strictly no WALK IN Get your slot dahil madami na ang Applicants”

Makikita rin dito ang isang link kung saan maaaring mag-apply. Pero kung pipindutin ito, mapupunta ang user sa isang blogspot website at hindi sa opisyal na website ng BFP. Sa blogspot website, hinihingi ang ilang mga impormasyon tulad ng buong pangalan, e-mail address, at numero ng telepono. Kinakailangan ding i-upload ang resume ng aplikante.

Ilang beses nang pinasinungalingan ng BFP ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanilang recruitment.

“The Bureau of Fire Protection does not support the sharing of unofficial information concerning its activities or programs, such as recruitment or promotion,” ayon sa Facebook post ng BFP noong Abril 5, 2024.

Sa naunang Facebook post ng BFP noong January 19, 2024, pinabulaanan nito ang mga kumakalat sa social media na nagsasabing walang age requirement at maaaring mag-apply ang mga K-12 graduate sa BFP.

“Contrary to some posts claiming there is no age limit and that even high school graduates can apply, these statements are absolutely false,” sabi ng BFP.

“The official requirements for the Fire Officer 1 position are clearly outlined by the BFP, and misinformation may lead to confusion and potential misinformation,” dagdag ng ahensiya.

Ang mga aplikante na nais maging bumbero ay dumadaan sa mabusising screening process, ayon sa BFP. Noong Abril 15, 2024, naglabas ang BFP ng anunsiyo tungkol sa kasalukuyang recruitment nito para sa posisyon na Fire Officer 1.

Ayon sa opisyal na anunsiyo, ang mga pamantayan para maging Fire Officer 1 ay ang mga sumusunod:

- Pagkakaroon ng bachelor’s degree
- Nasa edad 21 hanggang 30 na taong gulang sa oras na magsumite sila ng aplikasyon
- Hindi bababa ng 5’2” ang tangkad para sa mga lalaki at 5’0” para sa mga babae
- Hindi hihigit o mas mababa sa limang kilo ang timbang mula sa karaniwang timbang na naaayon sa taas o kasarian ng aplikante
- Kailangang magkaroon ng Civil Service Commission second-level eligibility

Bukod sa mga nabanggit, kinakailangan din mapatunayan ng aplikante na mayroon siyang magandang moral na katangian at siya’y physically at mentally fit.

Ayon sa BFP, ang mga miyembro ng isang indigenous group na edad 31 hanggang 35 taong gulang ay maaaring mag-apply ng waiver ng age requirement. Maaari silang magsumite ng aplikasyon para sa waiver sa regional offices ng BFP.

Samantala, isa sa mga paraan para magkaroon ng second-level eligibility ay ang pagpasa sa Civil Service Fire Officer Examination. Noong Marso 4 hanggang Abril 3, 2024 ay isinagawa ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Fire Officer Examination na naka-schedule sa Hunyo 2, 2024.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ng ABS-CBN ang mga pekeng impormasyon tungkol sa recruitment sa mga ahensiya ng gobyerno.

Paalala ng BFP, kumuha lamang ng impormasyon sa kanilang opisyal na website at social media accounts.

“Always be careful of fake news and check information from trusted sources. False information spreads fast, so double-checking facts helps make sure they’re true and reliable,” ayon sa BFP.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging apps, maaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o Twitter account @abscbnfactcheck.

Read More:
BFP
Bureau of Fire Protection
Fire Officer Examination
hiring
fake hiring
misinformation
disinformation