Sino si Cardinal-designate Pablo Virgilio 'Ambo' David? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sino si Cardinal-designate Pablo Virgilio 'Ambo' David?

Sino si Cardinal-designate Pablo Virgilio 'Ambo' David?

Patrol ng Pilipino

 | 

Updated Oct 19, 2024 07:57 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Sa kanyang magiging bagong tungkulin, sinabi ni Cardinal-designate Pablo Virgilio David na isa itong responsibilidad.
MAYNILA — Sa kanyang magiging bagong tungkulin, sinabi ni Cardinal-designate Pablo Virgilio David na isa itong responsibilidad.

“Humihingi ng tulong ang Santo Papa sa kanyang gawain bilang pontifex maximus,” aniya.

Si David ang ika-10 kardinal ng bansa. Kasabay ng lingguhang Angelus ni Pope Francis inanunsyo ang mga bagong kardinal kasama si David noong Oktubre 6.

Tubong Betis, Guagua, Pampanga, unang nagsilbing pari sa Archdiocese of San Fernando sa Pampanga noong 1983 hanggang sa maging auxiliary bishop nito bago maitalagang obispo ng Kalookan taong 2016 si David.

Siya rin ang kasalukuyang presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

ADVERTISEMENT

Naging matunog ang pangalan ni David sa pagiging kritikal nito sa administrasyong Duterte patungkol sa usapin ng ‘war on drugs’.

Taong 2019 nang akusahan si David at 3 pang obispo ng sedition o planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte. Na-dismiss ito noong Pebrero 10, 2020.

 

 

Sa darating na Disyembre inaasahan ang konsistoryo ni Cardinal-designate David bilang isang ganap na kardinal.

 

– Ulat ni Vivienne Gulla, Patrol ng Pilipino

 

Video produced with Haztin Harold Jardin

 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.