'No QR code, no entry' ipatutupad sa mga establisyimento sa Muntinlupa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'No QR code, no entry' ipatutupad sa mga establisyimento sa Muntinlupa

'No QR code, no entry' ipatutupad sa mga establisyimento sa Muntinlupa

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Simula ngayong 2021, kailangan nang gamitin ang contact tracing app na StaySafe.PH para makapasok sa mga establisyimento sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa city ordinance No. 2020-181 ng lungsod, minamandato ang contact tracing sa pamamagitan ng QR code sa mga tindahan, opisina, tanggapan ng gobiyerno, at pook-sambahan.

"No QR code, no entry" ang polisiya, ibig sabihin hindi papapasukin ang mga tao sa mga naturang lugar nang walang sariling QR code.

Bawal din ipagamit sa ibang tao ang QR code.

ADVERTISEMENT

Sakop nito hindi lang ang mga residente ng Muntinlupa kun'di mga nagtatrabaho at bumibisita sa mga establisyimento.

Kailangang i-download ang app at mag-register dito para makakuha ng sariling QR code na pwedeng i-save sa smartphone o i-print para ipakita pagpasok.

Para naman sa mga walang smartphone, pwedeng ipagawa ang QR code sa kani-kanilang barangay at ipapadala sa kanila.

Sa ilalim ng ordinansa, minamandato rin ang bawat establisyimento na magtalaga ng tauhan para i-scan ang QR Code at tiyakin na unique o walang ibang gumagamit nito.

Pwedeng patawan ng multa na P2,000-P5,000 ang hindi susunod na establisyimento depende sa ilang ulit ang paglabag, at suspensyon ng business permit.

Ipapasa ng mga establisyimento sa city health office araw-araw ang digital log book ng mga papasok sa lugar nila.

Ang StaySafe.PH ang preferred contact tracing app ng national government na pinapagamit sa mga tanggapan nito at mga local government unit.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.