Unang bituin ng Sagrada Familia Basilica sa Barcelona, pinailawan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang bituin ng Sagrada Familia Basilica sa Barcelona, pinailawan na

Sandra Sotelo-Aboy | TFC News Spain
Published Dec 14, 2021 04:01 AM PHT

BARCELONA - Hiyawan at palakpakan ang mga nag-abang nang umilaw sa kauna-unahang pagkakataon ang bituin na nakapatong sa tore ng Birheng Maria ng Basilica De Sagrada Familia.

Dinumog ito ng mga deboto sa araw ng pista ng Immaculate Conception na napanood sa buong mundo sa pamamagitan ng live streaming.

Naglagay din ng higanteng screen para mapanood ang misa sa loob ng basilica na pinagunahan ni Cardinal Joan Josep Omella i Omella, Arsobispo ng Barcelona.

Malipas mabendisyunan ang tore ng Birheng Maria, inilawan din ang base ng tore. Naging simbolo naman ang digital stars na kanya-kanyang inilawan ng halos kalahating milyong katao mula sa 122 bansa.

Hindi naman pinalagpas ng mga Pinoy ang makasaysayang sandaling ito. Nilabanan nila ang lamig, dami ng tao at ngawit sa pagtingala sa taas ng tore para masilayan lang ang pag-iilaw ng bituin.

"Nandito ako para panoorin, after more than 100 years na hindi nagkakaroon ng star. Ngayon sisindihan kaya nandito kami,” sabi ni Carolina Florendo, residente ng Barcelona.

“I feel very privileged and honored to be here, to be part of this historic event in Barcelona, Sagrada Familia. That is a real proclamation that there is still light in the midst of darkness", saad ni Gina Kearns, residente ng Barcelona.

Ang Sagrada Familia ang isa pinakatanyag at iconic na tourist spot ng Barcelona. Ito ay proyekto ni Antoni Gaudí noong ika-19 siglo.

Sinimulang itayo ang simbahan noong 1883 at mahigit isang siglo na ang nakakaraan, hindi pa rin ito tapos.

Maging ang tore ni Birheng Maria ay tinatayang matatapos lang ngayong taon. Ang bituin ay gawa sa kristal at may 12-point spikes. Ito ay iilawan tuwing gabi at masisilayan ang ningning nito sa siyudad ng Barcelona.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa rehiyon ng Catalonia at iba pang bahagi ng Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT