Bata namatay matapos mabulunan ng candy sa Antique | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata namatay matapos mabulunan ng candy sa Antique

Bata namatay matapos mabulunan ng candy sa Antique

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Patay ang isang 7-taong gulang na batang lalaki sa Poblacion, San Remigio sa Antique noong Lunes matapos mabulunan ng gummy ball candy.

Kuwento ng tiyahin ng bata, pilit na nagpabili ang bata sa kanyang ina sa tindahan ng gummy ball.

Pagdating sa bahay ay laking gulat ng nanay nito ng makitang nabulunan na ito at hindi makahinga.

Kaagad na dinala ng kanyang kaanak sa ospital ang bata at kinuha ang nakabarang gummy ball pero binawian na ito ng buhay.

ADVERTISEMENT

Paalala ng nanay ng bata sa iba pang mga magulang na mag-ingat sa ibinibigay na pagkain sa kanilang mga anak.

Sa ngayon ay nakaburol sa kanilang bahay ang bata at humihingi ng tulong pinansyal ang mga magulang nito para maipalibing ang bata.

—Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.