Cavite traffic cop na napatay sa engkuwentro pinarangalan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cavite traffic cop na napatay sa engkuwentro pinarangalan

Cavite traffic cop na napatay sa engkuwentro pinarangalan

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2020 06:58 PM PHT

Clipboard

Burol ni Police Chief Master Sgt. Julius Arcalas sa Bacoor, Cavite. Napatay ang pulis matapos pagbabarilin ng sinitang motorista sa Cavite City noong Nobyembre 6. Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News​

MAYNILA — Ginawaran ng "Medalya ng Kadakilaan" ng pamunuan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (HPG) ang tauhan nitong napatay matapos manita ng motorista sa Cavite City.

Mismong si HPG Director Brig. Gen. Alexander Tagum ang bumisita sa burol ni Police Chief Master Sgt. Julius Arcalas sa Bacoor, Cavite.

Napatay si Arcalas matapos mauwi sa barilan ang paninita nila ng kaniyang mga kasamahan sa 2 motorista sa Cavite City noong gabi ng Biyernes. Nasawi din ang gunman.

"Ang nangyari dito... will not deter the commitment of the Highway Patrol Group on our relentless pursuit of our mandate to ensure the security and safety of our national highways and streets against all these criminals," ani Tagum.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sumuko na ang isa pang salarin, na kasalukuyang hawak ngayon ng Cavite police.

Nakilala na rin ang nasawing gunman bilang si Methusael Cebrian, na asawa ng isang opisyal ng Philippine Navy na naka-assign sa Sangley Point.

Nagpahatid naman ng pakikiramay ang Malacañang sa nangyari kay Arcalas.

Hiling naman ng pamunuan ng HPG ang dagdag na assault rifle, armored vest at body cameras para sa patuloy na kampanya nila kontra kriminalidad.

Nakatakdang ilibing si Arcalas sa Miyerkoles.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.