Duterte pinaiimbestigahan ang buong pamahalaan dahil sa korupsiyon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte pinaiimbestigahan ang buong pamahalaan dahil sa korupsiyon

ABS-CBN News
Published Oct 27, 2020 12:53 PM PHT
|
Updated Oct 27, 2020 08:15 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang task force para imbestigahan ang korupsiyon sa buong pamahalaan, na sisimulan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nagbaba ng isang memorandum si Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra para pangunahan ng Department of Justice ang pag-imbestiga sa korupsiyon sa buong gobyerno.

"I hope that all government workers, officials are listening. This is a memorandum from me to Justice Secretary Menardo Guevarra... The subject is investigate [sic] of allegations of corruption in the entire government," sabi ni Duterte sa isang talumpating ipinalabas nitong umaga ng Martes.

Paglaban sa korupsiyon ang isa sa mga pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya.
Paglaban sa korupsiyon ang isa sa mga pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang mega task force ang bubuuin hanggang Hunyo 30, 2022 kung saan maiimbitahan ang iba't ibang opisina gaya ng National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman, Civil Service Commission, at Presidential Anti-Corruption Commission para tumulong sa mga imbestigasyon.

Uunahin umano ng task force ang pagtalakay sa sinasabing talamak na korupsiyon sa DPWH.

Sa kabila nito, nagpahayag ng kumpiyansa si Duterte kay Public Works Secretary Mark Villar, na tinawag niyang masipag at marami nang accomplishments.

Ayon kay Duterte, dapat asahan ng publiko na sa mga susunod na araw ay may mga masususpende dahil sa korupsiyon sa DPWH.

Sinabi naman ni Villar na bukas siya sa imbestigasyon ng umano'y katiwalian sa ahensiya.
Sinabi naman ni Villar na bukas siya sa imbestigasyon ng umano'y katiwalian sa ahensiya.
ADVERTISEMENT
Sa panayam ngayong Martes, sinabi ni Villar na may mga iniimbestigahan na rin silang high at low-ranking officials pero tumanggi siyang pangalanan ang mga ito.

Ilalabas umano ang resulta ng imbestigasyon sa mga susunod na linggo.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Villar na bumuo na rin siya ng task force sa loob ng DPWH para imbestigahan ang mga paratang ng korupsiyon.

Sa 2019 report ng Commission on Audit sa DPWH, lumalabas na talamak ang overpricing sa mga proyekto at pinababalik ang higit P431 milyon na patong umano ng mga contractor.

Bilyon-bilyong pisong pondo ng gobyerno ang inilalaan para sa DPWH kada taon para sa mga proyektong pang-impraestruktura.

Samantala, pinayuhan naman ni Duterte ang kaniyang mga anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Davao Rep. Paolo Duterte, na chairperson ng House committee on public accounts, na huwag isangkot ang kanilang mga sarili sa korupsiyon.

-- Ulat nina Joyce Balancio at Jerome Lantin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Rodrigo Duterte
corruption
Department of Public Works and Highways
Mark Villar
DPWH corruption
community quarantine classification
general community quarantine
korapsyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT