3 sasakyan nadaganan ng truck sa Baguio City; 3 sugatan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 sasakyan nadaganan ng truck sa Baguio City; 3 sugatan

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2023 04:59 PM PHT

BAGUIO CITY — Tatlo ang sugatan matapos madaganan ng isang 10-wheeler truck ang 3 sasakyan sa Teachers Camp bandang alas-9 ng umaga Miyerkoles.

Base sa imbestigasyon ng pulis, paakyat ang truck sa kalsada at dahil sa bigat ng kargang chicken dung, umurong ito hanggang sa tumagilid at nadaganan ang isang taxi at 2 pribadong sasakyan.

Halos wasak ang 3 sasakyan sa aksidente.

Isang babae at 2 lalaki ang nasugatan at agad namang dinala sa ospital.

ADVERTISEMENT
Maaaring maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to properties ang driver ng truck.

Inaalam din kung overloaded ito.
Inaalam din kung overloaded ito.
Payo ng Baguio City police, iwasan ang overloading sa lungsod lalo pa't karamihan sa mga kalsada rito ay paakyat.

— Ulat ni Mae Cornes
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT