CHR kinuwestiyon ang pagpatay sa umano'y narco-cop, buntis na asawa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
CHR kinuwestiyon ang pagpatay sa umano'y narco-cop, buntis na asawa

Junrey Nadela,
ABS-CBN News
Published Aug 17, 2017 05:52 PM PHT
|
Updated Aug 17, 2017 06:09 PM PHT

Ipinagpapatuloy ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang imbestigasyon sa sinasabing tagong yaman ni Police Officer (PO) 3 Ryan Quiamco na napatay sa operasyon ng Regional Intelligence Division noong Martes ng gabi sa Talisay City.

Kinukuwestiyon naman ngayon ng Commission on Human Rights ang ginawa ng RID sa mag-asawang Quiamco. Patay din sa operasyon ang asawa ni Quiamco na si Rizalyn na nalamang nasa second trimester na ng kanyang pagbubuntis.

Handa namang harapin ng RID ang imbestigasyon ng CHR-7.

Ayon kay RID-7 Chief, Senior Superintendent Jonathan Cabal, ginawa nila ang kanilang makakaya upang hindi mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation, pero nanlaban ang suspek.

Dagdag ni Cabal, wala silang itinatago at lehitimo ang ginawang operasyon.

Ayon kay Cabal, subject ng kanilang operasyon ang mag-asawa at ang misis ay katulong umano ni Quiamco sa pagtutulak ng droga.

Si Quiamco ang ika-12 sa listahan ni Presidente Rodrigo Duterte ng mga umano'y protektor ng mga drug lord sa Visayas.

Ayon din sa RIAS na humahawak sa mga kasong kriminal at administratibo laban kay Quiamco, patuloy ang pag-iimbestiga nila sa mga yaman ni Quiamco na posibleng nanggaling sa pagtutulak ng droga.

Maraming mga sasakyan at may farm ng mga pansabong na manok si Quiamco.

May forfeiture proceedings na ginagawa ngayon ang Internal Affairs Service sa Campo Crame, kung saan nadestino si Quiamco.

Pinaniniwalaan ring may kauganyan si Quiamco sa mga Parojinog ng Ozamiz City.