Brigada Eskwela bago ang in-person classes, idinaos sa maraming paaralan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Brigada Eskwela bago ang in-person classes, idinaos sa maraming paaralan

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2022 02:35 PM PHT

Masigasig ang mga guro, magulang, at iba pang miyembro ng komunidad sa pagbabayanihan para maglinis, mag-ayos at ihanda ang mga eskwelahan sa unang face-to-face classes makalipas ang dalawang taon.

Sa Cavite, may motorcade pa ang mga guro at empleyado ng Binakayan National High School na umikot sa Aguinaldo Shrine at mga bahay-bahay.

Tumulong naman sa pag-aayos at nagbigay ng donasyong disinfectant ang mga miyembro ng Cavite Scene of the Crime Operatives sa Bacoor National High School.

Tulong-tulong din ang iba’t ibang organisasyon, mga magulang, alumni, at mga estudyante sa paglilinis sa Indang National High School.

Kasama rin ang pulisya ng mga magulang at guro sa Rosario Elementary School.

Nakiisa naman ang Philippine Coast Guard sa Brigada Eskwela sa Sinangkapan Elementary School sa Tuburan, Basilan.

Buong araw na tumulong ang mga PCG personnel, katuwang ang mga guro, sundalo ng 18th Infantry Battalion ng Philippine Army, at mga tauhan ng barangay, sa pagpuputol ng mga damo at sanga ng kahoy, pagpipintura ng mga silid-aralan, at paglilinis ng mga upuan.

Sa Metro Manila, sabay-sabay din ang iba’t ibang LGU sa kick-off ng Brigada Eskwela.

Inilunsad sa Comembo Elementary School ang Brigada Eskwela sa pangunguna ni Mayor Abby Binay at iba pang opisyal ng lungsod at ng Department of Education.

Pinanood din dito ang nagpapatuloy na Brigada Eskwela sa mga paaralan sa iba’t ibang lungsod.

May mga pagtatanghal pa para sa mga dumalo.

Nagkaroon din ng ceremonial signing ng memorandum of agreement sa pagitan ng LGU at DepEd at iba pang learning centers para sa pagsusulong ng ligtas at dekalidad na pagaaral ngayong babalik na sa mga paaralan ang mga estudyante.

Nitong mga nagdaang taon ng COVID-19 pandemic, nagkaroon ng ilang pagbabago sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela gaya ng pagkalap ng gadgets at iba pang materyales sa pagpapatupad ng blended learning habang may banta pa ng sakit.

Read More:
Metro Manila
Cavite
Basilan
in-person classes
face-to-face classes
bayanihan
education
edukasyon
Brigada Eskwela
DepEd
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT