Lindol sa Leyte, pumatay ng 2, nagdulot ng blackout sa 3 probinsiya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lindol sa Leyte, pumatay ng 2, nagdulot ng blackout sa 3 probinsiya

Lindol sa Leyte, pumatay ng 2, nagdulot ng blackout sa 3 probinsiya

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 08, 2017 12:42 AM PHT

Clipboard

Dalawa ang kumpirmadong patay matapos yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang lalawigan ng Leyte kahapon ng Huwebes.

Bukas pa naman ang mga linya ng komunikasyon, nadaraanan ang mga kalsada at tulay, ngunit walang kuryente sa Leyte, Bohol at Cebu dahil nalindol ang geothermal powerplant sa Kananga na nagsu-supply ng kuryente sa Visayas.

Pinakamatinding napinsala naman ng lindol kahapon ang tatlong palapag na gusali ng Newtown Department Store, kung saan naitala ang isa sa mga namatay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Commission.

Tinamaan naman ng debris ang isa habang lumilindol sa Ormoc kaya agad namatay.

ADVERTISEMENT

Ilang sibilyan sa kinaroroon ng Newtown Department Store ang tumulong sa pagbakbak ng semento para mailabas ang mga tauhan ng mini-mart at mga batang naipit as guho. Binasag nila ang sahig ng gusali hanggang marating ang kinaroroonan ng mga biktima.

Sa kabutihang palad, marami ang nailigtas, maging ang mga naipit sa guho.

Nabagsakan naman ng hollowblock ang isa sa Ormoc.

Kinilala ang mga namatay bilang sina Gerry Movilla, 40 anyos, at si Rhissa Rosales, 19 anyos.

Tatlumpu't pito naman ang sugatan, kasama ang 6 anyos na batang hinukay mula sa guho.

ADVERTISEMENT

Kondisyon ng mga kalsada

Nag-inspeksiyon na rin kanina ang Department of Public Works and Highways, at natunton na malala ang sira na iniwan ng lindol sa eskuwelahan ng Barangay Lim Ao sa bayan ng Kananga.

May mga nakita ring pinsala sa kalsada, pero hindi naman iyon magiging dahilan para maantala ang paghahatid ng tulong sa mga nalindol, ayon sa DPWH.

"All are passable. Of course, there's cracks, transverse cracks, especially on bridge approaches, 'yung bridge slabs approaches," ayon kay Engr. Armando Estrella, assistant director ng DPWH Region 8.

Sa pinakahuling impormasyon ng NDRRMC, wala pa ring kuryente sa Leyte at damay rin ang ilang bahagi ng Samar provinces, maging ang Cebu at Bohol dahil sa aberyang idinulot ng lindol sa geothermal plant sa Kananga.

Hindi pa rin tiyak kung kailan maibabalik ang serbisyo ng kuryente.

ADVERTISEMENT

Functional pa lahat ng tulay at kalsada. Bukas din ang palengke at mayroong mga namimili.

Isang bahagi lamang ng highway sa Kananga ang sarado at pinaiikot sa kanto ang mga motorista para iwas-disgrasya sa guho.

Takot ang idinulot ng lindol sa mga Taclobanon nitong Huwebes nang magkaroon ng blackout, kaya naman kani-kaniyang bili na ng mga solar-powered lamp, kandila, at generator sets ang mga residente.

Karamihan naman ay ipinaayos na lamang ang kanilang generator set na nabili at nagamit noon pang pagkatapos ng bagyong Yolanda.

Magdamag na nawalan ng kuryente sa Tacloban City kagabi kasunod ng lindol.

-- Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.