Bunkhouse ng 40 trabahador sa Misamis nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bunkhouse ng 40 trabahador sa Misamis nasunog

Bunkhouse ng 40 trabahador sa Misamis nasunog

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 17, 2018 07:59 PM PHT

Clipboard

Umuusok pa ang mga natupok na bahagi ng isang bunkhouse sa Misamis Oriental. ABS-CBN News

OPOL, Misamis Oriental -- (UPDATED) Natupok ang bunkhouse ng nasa 40 construction worker sa Barangay Igpit sa bayang ito, Sabado ng umaga.

Nakaalis na para magtrabaho ang ilan sa mga manggagawa ng Equi-Parco construction company nang mapansin ng mga kasamahan ang makapal na usok mula sa isa sa mga kuwarto ng 2-palapag na bunkhouse.

Sinubukan pero nabigo ang mga trabahador na apulahin ang apoy, na lumaki agad dahil sa malakas na hangin.

Natupok na ang 40 kuwarto ng istrakturang gawa sa light materials bago pa man makarating ang mga awtoridad, sabi ng imbestigador na si Harold Cabasan.

ADVERTISEMENT

Nasa P180,000 umano ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy.

Wala namang nasaktan sa insidente. -- Ulat ni Elmer Octobre, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.