Labi ng isang sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi, naiuwi na sa pamilya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Labi ng isang sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi, naiuwi na sa pamilya

Labi ng isang sundalong nasawi sa bakbakan sa Marawi, naiuwi na sa pamilya

Mariz Laksamana,

ABS-CBN News

Clipboard

LIPA CITY, Batangas- Bumuhos ang emosyon sa pag-uwi ng mga labi ni Technical Sergeant Aldrin Dinglasan sa kaniyang tahanan sa Barangay Sebastian nitong Sabado.

Si Dinglasan ay isa sa mga sundalong nasawi sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at mga teroristang Maute.

Yakap ang larawan ng asawang pumanaw, kinuwento ni Lea ang plano sana ni Dinglasan na magretiro ng maaga. Suot naman ng kanilang bunsong anak na si Achilles ang sombrero ng pumanaw na ama.

“Sabi niya pagkatapos niya ng pagre-retire, magtratrabaho pa rin siya. Sabi pa nga po niya, sa Customs muna siya kasi nandun si sir [Commissioner Nicanor] Faeldon, tapos habang naghihintay siya ng tawag sa Canada, kasi may apply din siya sa Canada, kasi sabi niya, hindi na lang niya kami pwedeng pabayaan na lang ng ganun,” ani Lea.

ADVERTISEMENT

“Hindi na tayo nakapagsabi ng ‘I love you’ sa isa’t-isa, kaya pala nung araw na yun, wala akong kagana-gana, yun pala may nangyari na sa’yo, pa,” dagdag pa nito.

Dalawampung taong nanilbihan si Dinglasan bago siya nasawi noong Miyerkoles habang nagsasagawa ng combat clearing operation sa Barangay Lilod Madaya sa Marawi.

Inilarawan naman ni 2nd Lt. Jerby Alparaz ang kasamahang si Dinglasan bilang isang mabuting kaibigan at adviser.

“Actually, si Tap Dinglasan parang tatay ko na yan eh so siya lahat nagbibigay ng advice sa akin pagdating sa ikagaganda ng serbisyo ko. At the same time, teacher ko siya eh sa lahat ng bagay, sa pakikipagbakbakan. Sa lahat ng training kasama ko siya,” ani Alparaz.

Kasamang nakiramay sa pamilya Dinglasan ang malalapit na kaanak at ilang sundalong Marino na nag-escort sa labi ng yumaong sundalo pauwi mula Fort Bonifacio.

Nakatakda namang isagawa sa susunod na linggo, Sabado, ang cremation at libing ng nasawing sundalo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.