Campaign posters na labag sa panuntunan binaklas ng Comelec sa Zamboanga City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Campaign posters na labag sa panuntunan binaklas ng Comelec sa Zamboanga City

Campaign posters na labag sa panuntunan binaklas ng Comelec sa Zamboanga City

RJ Rosalado,

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2018 11:12 PM PHT

Clipboard

ZAMBOANGA CITY - Pinagbabaklas ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang campaign posters ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa siyudad na ito dahil sa paglabag sa Omnibus Election code.

Ayon kay Atty. Stephen Roy Cañete, election officer ng Zamboanga City, hindi sumunod sa tamang laki ng campaign posters ang ilang kandidato. Sumobra kasi ang mga ito sa 2-by-3 feet na itinakda ng
Comelec.

ABS-CBN News

Ang iba naman ay sa sidewalk, puno at poste ng koryente ipinaskil ang kanilang mga campaign materials, bagay na mahigpit ding ipinagbabawal. Tinaggal din ng Comelec ang mga campaign posters na nakapaskil sa ilang public utility vehicle tulad ng pedicab.

Hindi muna magsasampa ng kaso ang Comelec laban sa mga kandidatong lumabag sa kanilang panuntunan. Pero kung magpapatuloy ang kanilang paglabag, ay ipapa-disqualify na ng Comelec ang mga ito.

ADVERTISEMENT

Dahil kapos sa panahon ay pinili lang ng Comelec ang ilang barangay sa kanilang isinagawang Oplan Baklas.

Pero ayon kay Cañete, puwedeng maghain ng reklamo ang mga residente sa kanilang opisina kung may mapansin silang lumalabag sa batas sa paglalagay ng mga campaign materials.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.